Battle for gold na ang women's sepak takraw

by Gerard Arce @Sports News | September 28, 2026

Photo: Ang matapang na laban ng women's sepak takraw team kontra Laos para makatiyak na ng silver medal ang Pinay sa yugtong ito at lalarga na sila para sa gold medal match. (pocmedia)
Tila walang matutuloy na resignation para sa mga Philippine national sepak takraw athletes matapos makasigurong mag-uuwi ng pilak at tansong medalya ang kanilang women’s at men’s team kahapon sa 20th Asian Games Aichi-Nagoya 2026 na ginanap sa Nagoya City Mizuho Park Gymnasium sa Nagoya, Japan.
Lumikha ng ukit sa kasaysayan ang Philippine women’s doubles sepak takraw matapos masigurong makakapagbulsa ng silver medal matapos talunin ang Southeast Asian rival na Laos sa iskor na 15-12, 15-10 sa women’s semifinals, habang nakuntento naman sa bronze medal ang Men’s Regu matapos isuko ang 15-10, 11-15, 7-15.
Malaking kadahilanan upang maisakatuparan ni Pilipinas SepakTakraw Association Inc president Karen Tanchanco-Caballero ang kanyang pagbabanta at mabigat na kondisyon sa mga national athletes na sumasagupa sa Asian quadrennial meet kasunod ng dalawang bronze medal na nakuha sa Regu at Quadrant event sa 2022 Hangzhou Games. “’Di pa tapos ang laban.
May mga nag retire ngunit walang mag resign dahil uuwing may mga medalya. Ambag para sa Diyos at sa bayan, men and women of Pilipinas Sepaktakraw,” pahayag ni Tanchanco-Caballero sa kanyang social media post kahapon. “Uy Pilipins! Pupunitan ako ng resignation letter.”
Matatandaang inihayag ni Tanchanco-Caballero ang kanyang salita ng mainsang maging panauhin sa Philippine Sportswriters Association Forum, matapos pagbasehan mahusay na performance sa mga nagdaang international tournaments na nilahukan bilang paghahanda sa Asian Games Pambihirang tapang at paninindigan ang ipinamalas ng grupo nina Nelly Jay Salon, Juan Marie Sucalit at Abegail Sinogbuhan upang padapain ang samahan nina Sonsavan Keosouliya, Norkham Vongxay at Koy Xayavong sa semifinals match.
Bago makatuntong sa gold medal match kontra Vietnam, na pinadapa naman sa hiwalay na semifinal match ang South Korea sa 15-6, 15-13, nagawa munang padapain ng Pinays ang Japan sa Group B preliminary round sa iskor na 10-15, 17-14, 15-11, habang matinding second game ang iginiya laban sa India sa 15-12, 15-6, at ang dikdikang laban sa South Korea sa huling laro sa preliminaries sa 15-13, 6-15, 9-15.
Nasayang naman ang unang set na bentahe nina Jason Huerte, Jom Lerry Rafael, Reynaldo Asilum Jr., Glindel Phori at Ronsited Gabayeron matapos makuha ang maagang momentum sa 15-10 para maunahan ang Bangkok Games double-gold medalists.
Nagtuloy-tuloy ang momentum sa second set sa pagkuha ng 3-0 kalamangan, subalit unti-unting nakuha ng Malaysia ang kanilang hinahanap na laro para maitabla ang tapatan sa sumunod na set, habang dinomina na ang Pilipinas pagdating ng third set.
Noong nagdaang 2025 Bangkok SEA Games ay nakatanggap ng dalawang tansong medalya ang tatlong manlalaro ng mapabilang sa women’s quadrant at women’s hoop para sa kabuuang tatlong bronze medal na naiuwi ng bansa, habang sina Huerte at Gabayeron ay parte ng bronze medal win sa men’s hoop.
Ipinagmalaki ni Tanchanco-Caballero na nagwagi ang national sepak takraw sa ISTAF World Sepaktakraw Championship-39th Thai King's Cup sa Bangkok, Thailand, kung saan ang 3x3 nito ay sumungkit ng makasaysayang silver medal finish, habang ang 4x4 women’s naman ay nakakuha ng bronze medal.





Comments