Sey mo, Sec. Ralph? GOV. VILMA, HANGGANG SA KAMA, NAGTATRABAHO PA RIN
- BULGAR

- Aug 19
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 19, 2025

Photo: Vilma Santos-Recto - IG
Marami ang napabilib sa Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto sa ginagawa niyang pagtatrabaho bilang governor ng Batangas.
Hindi makikita ang tunay na edad ng magaling na aktres sa ginagawa niyang pag-aasikaso sa mga Batangueño, na daig pa ni Vilma ang mga batang governors sa sipag at malasakit sa mamamayan.
Kamakailan lang ay nag-share sa kanyang Instagram (IG) account ang mother dearest ng host ng Rainbow Rumble (RR) na si Luis Manzano at congressman ng Lipa City na si Ryan Recto.
Makikita sa larawang ibinahagi ni Gov. Vilma na nasa bahay na siya, nakauwi galing sa trabaho bilang governor at nakaupo na sa kanyang kama. Gayunpaman, nagtatrabaho pa rin siya, pumipirma ng mga kailangan kahit hatinggabi na.
Makikita rin sa larawan ang magandang ngiti ni Gov. Vilma.
Saad niya, “Talino at Puso: Mula Agoncillo hanggang San Nicolas, puno ang araw sa kuwentuhan at kumustahan kasama ang mga kababayan. Pag-uwi sa gabi, trabaho pa rin.
Nagpipirma kahit 9:20 PM na, para masigurong tuluy-tuloy ang serbisyong kailangan ng mga Batangueño.”
Maraming netizens ang bumilib sa sipag ng governor ng Batangas at isa na nga rito ang media personality na si Christine Bersola-Babao.
Aniya, “Ala, eh! Love you, Ate Vi. Praying for your extraordinary strength & good health to carry out your mission.”
Sagot naman ni Gov. Vilma, “@christinebbabao Thankssss, Tins!! I miss and love you both! Tins/Julius! May utang pa akong interview kay Julius (tell him hindi ko nakakalimutan! Forgive a friend! Once I am done with our housekeeping in the capitol, I will invite you there!!!!!! Love you guys, God bless.”
Ala, eh! Suwerte naman ng mga Batangueño sa kanilang Gov. Vilma Santos-Recto.
Ngayong 50 na ang madir…
IBINULGAR NI MAVY: CARMINA, MAY MGA GABING ‘DI NAKAKATULOG
SUPER lucky naman ang aktres na si Carmina Villarroel sa pagkakaroon ng anak na sweet and loving tulad ni Mavy Legaspi.
Nagpahayag kasi ng pagbati si Mavy sa kanyang social media para sa ika-50th na kaarawan ng kanyang mother dearest noong August 17, 2025.
Saad niya, “50, looking 21. To the heart of our family, @mina_villarroel happy birthday, Momma! Your love simply makes everything better.
“Thank you for the sleepless nights, the sacrifices you never spoke of, and the unconditional love that never wavered even when I didn’t deserve it... You are the heart of our family, the soul of our home, and the greatest blessing I’ve ever known.
“You are the hardest working, kindest & most loving person in this world. She is what we call ‘HOME’ and she is the glue that holds and keeps this family together. Her patience, understanding, guidance, and perseverance are just a few of many things that describe this wonderful human being. God-fearing and a child of God.
“Cheers to 5 beautiful decades of success, tears, love, faith and dedication, the dedication to being the best actress and mother you could ever be. Cheers to you today and always.
“I’ll love you forever, I’ll love you for always, for as long as I’m living, my momma you’ll be.”
Happy Birthday, Carmina. Enjoy your special day!
SANIB-PUWERSA ang tatlong pinakamababangis na kontrabida sa mundo ng pelikula na sina Rez Cortez, Bembol Roco, at Dindo Arroyo sa isang action-comedy-drama film na Kontrabida, kung saan sila ang bida. Mapapanood ito worldwide sa iWant ngayong Martes (Agosto 19), 8 PM.
Ibang atake ang ihahain ng trio sa Kontrabida sa kabila ng pagiging kilala sa kanilang matitinding papel bilang sindikato, hitman, at kalaban ng bida sa ilang mga sikat at premyadong pelikula sa Pilipinas.
Gaganap si Rez bilang isang dating action star na gustong makuha ang loob ng kanyang apo, si Bembol bilang dating movie syndicate boss na ngayon ay plantito at wellness advocate, habang si Dindo ay dating real-life kontrabida na naging public servant at ngayon ay panadero na inspirasyon ng kabataan.
Magbabago ang lahat nang madukot sila ng mga rebeldeng tagahanga ng kanilang pagiging kontrabida on-screen. Pero imbes na magturo ng kasamaan, haharapin nila ang mas malaking misyon, ang iligtas ang isang bayan laban sa totoong mga terorista.
Sa direksiyon ni JR Reyes at hatid ng iWant at MAVX Productions, tampok ang umaatikabong aksiyon at riot na katatawanan ng trio kasama sina Pekto, Tito Abdul, Tito Marsy, Andrew Bongat, Denise Joaquin, Buchoy Ubaldo, Richmond Geraldo, Imy Bantog, at Papa Ahwel.
‘Yun lang, and I thank you.








Comments