Sey mo, Kylie? JAKE: CHIE, IBANG KLASENG BABAE!
ni Ambet Nabus @Let's See | September 26, 2023

Proud na sinabi ni Jake Cuenca na kaya siya dadalo sa ABS-CBN Ball ay dahil kay Chie Filomeno.
"Still dating," ang simpleng tugon nito sa amin hinggil sa kanilang pinag-uusapang relasyon.
Basta ikinuwento ni Jake na kakaibang babae si Chie na kinaaaliwan niya ang pagiging liberal, kuwela, may vision sa career at maka-pamilya.
Swak sila ng hilig at mga trip kaya madali raw silang nagkahulihan ng loob.
Matipid man ang magaling na aktor sa pagbibigay ng detalye, aminado naman itong si Chie nga ang isa sa mga nagpapasaya sa kanya.
"We are simply happy, getting there, but our respective careers is our priority," sey pa ni Jake.
After ng ABS-CBN Ball ay lilipad papuntang Japan si Jake kasama si Richard Gutierrez at crew ng The Iron Heart para ru'n kunan ang finale ng top rating action series.
Bongga ang show na ito, ha? From those great places here like Cebu and Iloilo, nagpunta ito ng Italy at France, then this time ay sa Japan naman.
Simpleng pagpapatunay na namamayagpag nga ito sa ratings at santambak ang advertisers.
Congratulations!





Comments