Sey mo, Ion? VICE, MAY 2 BABAENG GINASTUSAN NG P65 K!
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | February 25, 2022

Aliw ang latest vlog ni Vice Ganda na ipinag-shopping ang dalawang babaeng hindi niya kilala, matuk mo?
Sa video na may titulong Surprise Shopping for Strangers, mapapanood na random lang niyang pinili sa kalsada ang dalawang babaeng naglalakad.
Simulang kuwento ni Vice, last time raw kasi na nag-vlog siya ng shopping ay marami ang nag-comment na “sana all” at wish nila na makasama rin nilang mag-shopping ang Unkabogable Star.
“Maraming tao ang gusto na maka-experience ulit ng shopping, but since marami silang pina-prioritize sa paggamit ng pera, ini-skip nila for important things to do and more important things to consider,” sey ni Vice.
Habang umaandar ang kanyang sasakyan ay naghanap ang TV host-comedian ng masuwerteng kanyang ipamimili. Ang gusto raw niya ay naka-smile.
Naispatan niya ang dalawang empleyada na nagkukuwentuhan. Kinausap niya ang mga ito’t niyayang sumama sa kanya. Nang malaman ng mga girls na ipagsa-shopping sila, tuwang-tuwa ang mga ito.
Nagpunta na nga sila sa mall at pumili ang mga girls ng kanilang mga gusto.
Ang ending, umabot sa P65,000.00 ang napamili ni Vice para sa dalawang babae. Labis-labis naman ang pasasalamat ng mga girls sa TV host-comedian sa biyayang ibinigay sa kanila.





Comments