top of page

Sey mo, Bea? SUE AT DOMINIC, IPINAGSIGAWANG SUWERTE SA ISA'T ISA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 23
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | August 23, 2025



Sue Ramirez - IG @sueannadoddles

Photo: IG @sueannadoddles


Hindi maitago nina Sue Ramirez at Dominic Roque ang kanilang kilig sa social media matapos magpalitan ng sweet messages sa Instagram (IG) na agad namang umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga fans at netizens.


Ani Sue sa kanyang BF na si Dom, “Hayyy, ang suwerte ko. Hehehe!”

“Suwerte ko rin naman,” reply ni Dom sa comment section.

Ipinagdasal ng kanilang fan, “Lord paki-ingatan po ang dalawang ito, please.”


Sey pa ng ibang netizens:


“Para lang siguro sa movie ‘to @senyoraofficial.”


Ang vlogger na si Senyora na alam ng mga fans na crush ang aktor ay nagsabing, “Mukha naman. Malapit na siguro showing.”


Sagot ng isang netizen, “Naaawa na talaga kami sa ‘yo, @senyora.”

Sabi naman ng isa pa, “Iiwanan na lang din ‘yan tulad ng ginawa n’ya kay Bea. Good luck, Sue.”


“Suwerte raw sila, eh, mas suwerte si Bea, billionaire ang jowabels.”

“Pogi naman ng boyfriend mo, Sue.”


Sagot ng aktres, “Sobra po.”



HINDI na mapipigilan ang kasikatan ni Shuvee Etrata. Sa lahat ng kasamahan niyang lumabas sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition, siya ang laging nagkakaroon ng write-up at laman ng social media platforms.


Very busy ang young actress dahil kaliwa’t kanan ang paggawa niya ng commercials. May bago na naman siyang ine-endorse ngayon para sa isang sanitary care product. Ang cute ng video habang ipinakikilala siya ng management.


Ani ng mga fans ni Shuvee:


“Yay! A wild Ariyah spotted. It was lovely meeting you, Shuvee.”

“Well deserved.”


“Love your eloquence, your deep and brilliant answers and your fierce spirit. You truly are a beauty queen, Shuvee, and will always cheer for you.”


“Nakaka-proud naman ang babaeng ito.”

“Her being well-spoken is really amazing.”


“Let’s engage Shuvee’s IG account and all of her endorsements! Padayon Queen.” 

Padayon means keep going or move forward.



IBINULGAR na ni Denise Laurel ang kasalukuyang relasyon niya sa biological father ng kanyang anak.


Guest ang aktres sa YouTube (YT) channel ni Karen Davila kung saan ang topic nila ay

tungkol sa set-up nila ng ama ni Davian Alejandro o mas kilala sa tawag na “Bulkie”.

To recall, nabuntis si Denise at nagdesisyong maging single mom sa edad na 23. Nasa peak siya ng career noon. Inamin niyang hindi pa siya handa, pero ginusto pa rin niyang maging isang ina.


Tinanong siya ni Karen Davila kung ang kanyang 14-year-old na anak ay nagtatanong tungkol sa kanyang biological na ama. Dito ibinahagi ng aktres kung ano’ng uri ng relasyon ang mayroon sila ng ama ng anak.


Naalala niya na nagsimulang magtanong si Bulkie tungkol sa kanyang ama noong panahon ng pandemya. Tinanong daw siya ng anak kung ano’ng uri ng tao ang kanyang ama, kung isa raw itong mabuting tao, bukod sa iba pang bagay.


Bilang ina, hindi sumagi sa isip ni Denise na ilihim kay Bulkie ang tungkol sa ama nito.

Sagot niya kay Karen, “No, they’re not in touch, but I did tell him na ‘pag ready na s’ya maging tatay at maging present, then he can fully come into the picture. But if he’s gonna be wishy-washy (not sure), ‘wag muna.”


Well, sino nga kaya ang ama ng anak ni Denise Laurel? Nakakaintriga naman!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page