Pamilya nila, na-bash na rin, todo-hingi ng sorry… POKWANG, INAMING KAPATID NIYA ANG DRAYBER NA NAMBATOK SA MAGKAKARITON
- BULGAR

- 4 hours ago
- 2 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | December 17, 2025

Photo: IG @itspokwang27
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram (IG) account ay nag-live ang TV host-comedienne na si Pokwang upang humingi ng dispensa sa nakaalitan ng kanyang kapatid na nambatok ng magkakariton kamakailan.
Na-witness ito ng anak ng magkakariton na maliit pa kaya napaiyak nang malakas ang bata.
Ayon sa kumuha ng video, mabilis ang takbo ng nagmamaneho ng Toyota Hi-Lux at muntikan nang masagi ang batang babae.
Nagkaroon umano ng sagutan, bumaba ang driver at binatukan ang magkakariton. Nakita ito ng batang babae kaya napaiyak.
May lumapit na lalaki upang umawat, pero hindi pa rin nagpaawat ang nagmamaneho ng pick-up truck. Sinabihan umano ng lumapit na lalaki ang isa na i-video ang driver at kunan ang plate number. Maging ang pag-iyak ng batang babae ay kinunan din at agad na ipinost.
Mabilis na nag-viral ang video at isa kami sa mga nag-share nito upang ipanawagan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO). Napansin ito ng mga ahensiya ng gobyerno at papatawan ng 90-day suspension ang lisensiya ng driver.
Base sa IG Live ni Pokwang, “Totoo po ‘yung nag-viral na video na isang lalaki na naka-Hilux na Toyota na puti. Opo, kapatid ko po ‘yun. Nag-viral s’ya. Ang galing.
“Ako po ay humihingi ng dispensa du’n po sa kanyang nakaalitan, lalung-lalo na po doon sa anak na babae. Pasens’ya ka na, hija. Dadalawin kita, ha? Wait lang, pupunta ang Tita Pokwang mo r’yan. Pasens’ya ka na.
“‘Di po ako natutuwa at ‘di ko po dapat kampihan ‘yung nangyari du’n sa kapatid ko. Kumbaga, s’yempre, nanay din naman po ako. Pero lagi po nating iisipin na may other side of the story. Pero sige po, sa amin na lang po ‘yun. At humihingi po ulit ako ng kapatawaran du’n po sa mag-ama.”
Pinaalalahanan din ng aktres ang mga nag-post ng larawan ng buo nilang pamilya para i-bash.
“Paalala ko lang din po du’n sa mga nag-post ng paulit-ulit ng mukha ng pamilya ko, may tinatawag po tayong cyberbullying at cyber libel.
“Doon po sa ibang pulitiko na nakisakay at ‘di naman taga-Antipolo, nakakaloka! Nag-post pa kayo, Sir. Alam n’yo na kung sino kayo.
“Alam ko, taga-Bicol kayo. Ingat po kayo kasi mambabatas pa naman kayo, so alam n’yo dapat kung ano ang tinatawag na cyberbullying at cyber libel.”
“Ipinost po ninyo ang mukha ng buong pamilya ko. Isa lang po ang may kasalanan, kapatid ko. Pero nasaan po ang privacy at protection ng pamilya ko? Hindi po ako kumakampi sa kapatid ko, pero sana nag-iingat po kayo sa mga posts at sa mga comments ninyo,” pahayag ni Pokwang.
Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan si Antipolo City Mayor Junjun Ynares sa pag-aayos ng problema.
Aniya, “Humihingi rin po ako ng paumanhin sa aming mayor at pasens’ya na rin po kayo.”
Samantala, ang nakaalitang magkakariton ng kapatid ni Pokwang ay si Crispin Villamor at nangyari ang insidente sa Bgy. San Roque, Antipolo City.
Base rin sa police report, pumunta ang pick-up driver sa police station upang makipag-areglo.








Comments