top of page
Search
  • BULGAR

Sey mo, Annabelle? SARAH, TYPE SALUHIN NG ISANG CONG. KAY RICHARD

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | March 9, 2024



Hindi lang ang tribu nina Marites at Mosang ang sumusubaybay sa mga latest isyu sa showbiz lalo na sa isyung hiwalayan blues ng mga artista natin sa kasalukuyan kundi pati ang ilang showbiz baklitas.


Sa isang tsikahan ng ilang showbiz baklitas, isa na si yours truly sa mga listeners at ang hiwalayan blues nina Kim Chiu at Xian Lim, Bea Alonzo at Dominique Roque, Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ang kanilang naging topic.


Marami sa kanila ang nanghihinayang, with matching background music na may lyrics that goes... "Nanghihinayang... nanghihinayang ang puso ko...", boom, may ganern! 


Gayunpaman, sabi ng isa sa kanila, masakit man ang mahiwalay sa isang relasyon lalo na kung may mga anak na ay need pa rin daw ng mga itey na mag-move on. 


At malay daw nina Kim Chiu, Bea Alonzo at Sarah Lahbati, may nakalaan pang second chance sa kanila to love again with another guy, lalo na't may kasabihang: “To forget someone special is to get another someone special, too…” boom, 'yun na!


At napaangat ang wetpu (puwet) namin sa upuan nang marinig namin ang dialogue ng isang baklita that goes something like this, "Heard na meron daw isang congressman na gustong ma-meet in flesh and blood at tipong type ligawan ang ex-wife ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati.


"Kunsabagay, kahit may mga anak na si Sarah ay blooming pa rin ang byuti at may chance pa na maka-getlag uli ng another someone special, sa true lang!"


Well, may point siya, in fairness, ha!


Kung sino 'yung congressman na tinutukoy niya, ay, naku, ayaw niyang sabihin. Secret daw, walang clue! 


Wa' na kami sey!


Teka, baka si Annabelle Rama, may mase-sey? Yo, what do you think, mga Marites at Mosang?


Think and THINK BIG, ha!


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page