top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sexy movie, mas bet ng fans… GUILTY PLEASURE NI LOVI, TINAOB ANG BALOTA NI MARIAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 18, 2024
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | Oct. 18, 2024



Photo: Lovi Poe at Marian Rivera sa Guilty Pleasure at pelikulang Balota / IG


Hmmm… tila mas nalamangan ni Lovi Poe si Marian Rivera dahil mukhang mas pinag-usapan at kumita ang Guilty Pleasure (GP) movie kumpara sa Balota.


Although may magkaibang tema ang dalawang movies na sabay nagbukas last Wednesday, lumamang nga raw sa box office (first day ang pinag-uusapan, ha?) ang GP ni Lovi for the obvious reason na ‘tadtad’ ito ng mga sex and daring scenes.


Kapwa matino ang pagkakagawa ng dalawang movies, pero dahil siguro hindi nga sanay ang mga manonood makita sa screen ang deglamorized Marian (na super-ganda pa rin naman, in fairness kahit walang make-up) plus, wala itong mga gaya nina Jameson Blake at JM de Guzman na nakadagdag sa appeal ng GP ni Lovi, understandable kung mas unang papanoorin ng mga tao ang movie ni Lovi.


As we write this at ayon sa aming mga kaibigan sa theater circuits, mas maraming sinehan ang naibigay sa GP ni Lovi kesa sa Balota ni Marian.

Magkakaalaman daw this weekend kung alin talaga sa dalawang movies ang hihiranging box office hit.



NA-EXPERIENCE namin ang maglaro sa Quizmosa, ang latest showbiz-celebrity tsismisan game show na mapapanood na sa TV5, very soon.


Si Mama Ogie Diaz, kasama si Kid Yambao at mga comedian-vloggers na sina Tonton Soriano at Tita Jegs ang bubuo ng show, pero siyempre, bilang showbiz authority si Mama Ogs pagdating sa pagiging Marites, siya ang talagang captain of the ship, ‘ika nga.


Masaya ang aura ng show na parang nasa quiz show ka dahil sa mga tanungang showbiz. Kung tunay kang Marites, makaka-relate ka dahil simple lang ang pagkaka-construct ng mga tanong, very relatable kumbaga.


Added bonus na nga lang ang husay ni Mama Ogs sa pag-deliver, plus ‘yung sense of humor na hindi mo kaiinisan unlike others. Hahaha!


Eere ito everyday from Monday to Saturday after ng Eat… Bulaga! (EB!) kaya’t napakaganda at malakas ang pre-programming nila. Nakaabang nga ang mga papremyo from cash to tokens sa mga sasali sa game show.


Ay, ang Ka-BULGAR nga pala ninyo at Papa Ambetable ang naging grand winner sa pa-sample game na isinagawa para sa Quizmosa. Pagpapatunay na tunay at legit nga tayong Ka-BULGAR na Marites. Hahaha!



MULA pala sa pamilya Davao si Anthony Dabao na poging nagbibida sa VMX. This time, ‘yung totoong spelling ng name nila ang kanyang ginagamit though nakasanayan na nga since time immemorial kumbaga na letter “V” ang Davao na gamit nila instead of letter “B”.


Maginoo, matalinong kausap at sure naman kaming nagmana ito sa galing sa pag-arte gaya ng mga kapamilya niyang sina Bing, Maymay, ang tatay niyang si Charlon at ang dear friend naming si Direk Ricky.


Sa Donselya na very soon ay mapapanood sa VMX, makikipagtagisan siya ng husay kina Arnold Reyes, Tanya Gomez at Allan Paule.


Puring-puri naman siya ng leading lady niyang si Dyessa Garcia na napakaganda, kikay at napakanatural sumagot sa mga tanong. 


Ang ganda ng chemistry nilang dalawa dahil tila unaware sila na ‘yung mga differences nila ang nagbibigay-kulay at kilig sa kanilang tambalan. Swak na swak ang pagka-gentleman ni Anthony sa medyo jologs at lutang moments ni Dyessa.


Pero kapag sabay na silang sumagot ng tanong, malalim at matalino ang mga tirada nila. Nakakaaliw!


Uy, mukhang nagle-level-up na talaga ang mga kuwento at movies sa VMX dahil hindi lang hubaran at churvahan ang mga eksenahan dito kundi mahuhusay na kuwento, pagganap at direksiyon. Ang kaibigan nating si Direk Christopher Novabos ang nagdirek ng Donselya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page