Sex videos ng anak, for sale online, nanay kulong

ni Mai Ancheta @News | November 10, 2026

Photo: Malalaswang litrato ibinebenta online ng ina - NBI
Arestado ang isang ina sa General Santos City matapos umanong gamitin ang malalaswang larawan at video ng kanyang menor-de-edad na anak upang pagkakitaan sa internet.
Ayon sa National Bureau of Investigation, may mga banyagang kliyente umano ang suspek mula sa United States, Australia at Germany.
Nailigtas ang biktima sa Barangay Mabuhay sa isinagawang operasyon ng NBI Violence Against Women and Children Division, katuwang ang iba pang ahensya.
Nasamsam din ang cellphone ng suspek na naglalaman umano ng mga ebidensya ng ilegal na gawain.





Comments