Sex video at nude photos ng mga utol ibinebenta, bebot kulong
- BULGAR

- Feb 9, 2023
- 1 min read
ni Jeff Tumbado | February 9, 2023
Arestado ang isang 31-anyos na babae sa ikinasang entrapment operation ng pulisya dahil sa pagbebenta nito ng malalaswang larawan at videos ng mismong mga kapatid sa Cebu City, kamakalawa.
Sa presinto natukoy ang pagkakakilanlan ng suspek na si Majo Rabe, na nadakma sa operasyon sa Bgy. Tisa, bandang alas-11 ng tanghali ng Martes.
Kabilang umano sa ibinebenta ng suspek ay ang mga video ng kanyang mga nakababatang kapatid na babae, na isa sa kanila ay menor-de-edad.
Napag-alaman din na nag-aalok ang suspek ng cam-shows sa kanyang mga parokyano na karamihan ay mga dayuhan.
Nailigtas at nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang menor-de-edad na kapatid ng suspek.
Nahaharap ang suspek sa reklamong Qualified Trafficking in Persons.




Comments