Sesentro sa Central Luzon at aabot sa Metro Manila ang super typhoon “Rolly”, ingat pa more!
ni Ka Ambo - @Bistado | November 01, 2020
Iisa ang forecast sa super typhoon “Rolly”.
Sesentro ang bagyo sa Central Luzon at aabot ang epekto sa Metro Manila.
Nanangkupooo!
◘◘◘
MALA-“YOLANDA” ang puwersa ng bagyo.
Apektado maging ang Calabarzon.
Ibig sabihin, mawawasak nito ang mismong commercial area!
◘◘◘
SA pagkakatanda natin, bandang 1964 ang tumama ang Bagyong Dading at bandang 1969 naman ang Bagyong Yoling.
Halos isang buwan, nawalan ng elektrisidad ang maraming lugar.
At siyempre, wala ring serbisyo ang tubig.
Paralisado ang mga daanan o highways!
◘◘◘
PANIBAGONG dagok ito sa dati nang lugmok na ekonomiya.
‘Yung gumagapang sa hirap, ang isa paa nila ay malalagay na sa hukay!
◘◘◘
MARARANASAN ang bagyo sa araw mismo ng Todos Los Santos—isang tradisyon na kinansela.
Ibig sabihin, binalewala ng gobyerno ang “karapatan” ng mga patay na madalaw sila ng mga buhay.
Sa Undas, sila ang magpaparamdam nang todo sa mga buhay!
◘◘◘
TURETE na si P-Digong, biglang malilimutan ng mga Pinoy—ang COVID partikular ang mga nasa kalunsuran ng Region 3, Region 4 at Metro Manila.
Ang problema, ubos na ang calamity fund!
◘◘◘
ANG mga negosyo na unti-unting nagbukas, bangkarote na agad.
Ayaw talaga ng kalikasan na makabangon pa ang mga buhay!
◘◘◘
MATAPOS ang Bagyong Rolly, may nakabuntot agad na isa pang bagyo.
Malinaw na paglabag ito sa “social distancing”—wala silang distansiya, halos magkasabay!
◘◘◘
WALA pang opisyal na pahayag ang Palasyo.
Nag-abiso na ang mga LGUs sa panganib ng super typhoon!
◘◘◘
PINAKADELIKADO ay ang umaapaw na dam.
Delikado ito na sumabog o gumuho kapag hindi naagapan!
◘◘◘
PANGANIB din ang ala-tsunami na storm surge sa mga dalampasigan.
Maaaring magkaroon ng pag-angat ng tubig dagat sa kalupaan ng Metro Manila at Central Luzon.
Ibig sabihin, delikado ang Manila Bay area!





Comments