Search
  • BULGAR

Go Negosyo at PSPI, nagtulungan sa pagpapalawak ng COVID-19 testing sa bansa

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | June 23, 2020




HELLO, Bulgarians! Inanunsiyo kamakailan ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo Founder Joey Concepcion sa isang virtual presser na ang Project ARK PCR Initiative sa tulong ni Chief Implementer, former Health Secretary Janette Garin ay sisimulan na ang pag-aaral sa multi-site operational kasama ang Philippine Society of Pathologists, Inc. (PSPI) at ang Philippine Children’s Medical Center (PCMC) SARS-COV2 Testing Laboratory bilang Site Implementor.

Sa pag-aaral na ito, malalaman ang accuracy ng pooled testing gamit ang RT-PCR. Ito ang nakikitang solusyon para maging available sa lahat ang test at mapataas ang bilang ng nate-test sa loob ng isang araw.

Makatutulong din ito sa muling pagbangon ng ekonomiya ng bansa. Ang research na ito ay pinangunahan ni Dr. Raymundo Lo, MD, FPSP bilang Principal Investigator. Samantala, naging Co-Investigators nito sina are Agnes V. Barrientos, MD, FPSP, Bernadette Espiritu, MD, FPSP, Farrah Kristine F. Santiago, MD, FPSP, Amado O. Tandoc III, MD, FPSP, Januario D. Veloso, MD, FPSP habang si Dr. Soccoro Yanez ang humawak sa Program Manager, Training & Research Implementation.

Sumali rin sa Presscon ang mga miyembro ng PSPI na pinangunahan ni President Dr. Roberto D. Padua, ARK-PCR Chief Implementor Janette Garin, ARK Project Lead Josephine Romero, ARK Medical Team Lead Dra. Minguita Padilla, PCMC Executive Director Dr. Julius Lecciones at mga miyembro ng Philippine Medical Association (PMA) na pinangunahan ni President Dr. Jose Santiago.

Sa isang pooled testing method, ang swab sample ng mga indibidwal ay dinadala sa single PCR test. Kung ang isa ay nagpositibo sa test, karagdagang pagsusuri ang gagawin.

Ito ay nirerekomenda ni Garin upang maging estratehiya sa pagtaas ng bilang ng nate-test sa isang araw. “Ang 100,000 kits ay sapat na para ma-test ang isang milyong indibidwal,” sabi ni Garin.

Nagpasalamat din si Garin sa PMA at PSPI sa pangunguna sa pag-aaral na ito. Kapag ito ay naging matagumpay, mas abot-kaya na ang PCR testing (Php350-Php500) na makatutulong din sa LGUs, OFWs at MSMEs.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.