Sepak athletes pagbibitiwin 'pag 'di nagkamedal sa Asiad
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
by Gerard Arce @News | September 2, 2026

Photo: Si Pilipinas Sepak Takraw Association Inc. President Karen Tanchanco -Caballero nang magsalita para sa paghahanda ng koponan sa gaganaping Aichi-Nagoya Asian Games sa Setyembre 20 sa PSA Forum sa PSC Media Room, Martes. (Gen Villota)
Kinakailangang tupdin ang naatasang tungkulin para sa Filipino sepak takraw athletes na nakasalalay ang kanilang posisyon bilang national members sakaling hindi magtagumpay sa medalya para sa bansa sa 20th Aichi-Nagoya Asian Games sa Japan.
Mabigat na kondisyon na ipinataw ni Pilipinas Sepak Takraw Association Inc president Karen Tanchanco-Caballero sa mga national athletes na sasagupa sa Asian quadrennial meet kasunod ng dalawang bronze medal na nakuha sa Regu at Quadrant event sa 2022 Hangzhou Games.
"I'd like to share that there is already a courtesy resignation on all athletes if they do not come home with a medal," pahayag ni Caballero kahapon sa ginanap na Philippine Sportswriters Association Forum sa Philippine Sports Commission media room.
"Ready sila. Handa rin sila because they have to give way din. I mean we have given them all the support they needed for so many years. So it's only fair for the Filipino taxpayers who pay for their allowances and support. So, kumbaga, we only expect the best performance from our athletes and coaches."
Higit na pinagbasehan ni Caballero ang mahusay na performance ng men’s regu sa nagdaang ISTAF World Sepak Takraw Championship-39th Thai King's Cup sa Bangkok, Thailand, kung saan ang 3x3 nito ay sumungkit ng makasaysayang silver medal finish, habang ang 4x4 women’s naman ay nakakuha ng bronze medal.





Comments