top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Senyales na matutupad ang matataas na pangarap sa buhay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 22, 2021
  • 2 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 22, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Paris France.


Dear Maestra,

Nais kong ibahagi ang halos isang buwang panaginip ko na halos pabalik-balik lang tuwing nananaginip ako.

Madalas akong nananaginip na palagi akong nasa taas ng bundok, puno, nakasakay sa tren na nasa flyover at minsan naman ay nakasakay sa eroplano o naglalakad sa hagdan paakyat ng bahay.

Bakit madalas akong nakakapanaginip ng ganito? Kinakausap ko ang sarili ko at napapatanong kung bakit madalas ako nanaginip ng nasa taas ako?

Anu-ano ang ibig sabihin ng mga ito? Umaasa ako na matutugunan n’yo ang aking mga katanungan. Maraming salamat!


Umaasa,

Paris France


Sa iyo, Paris France,

Ang iyong panaginip ay nagpapahiwatig na napakataas ng mga pangarap mo sa buhay, kaya palagi at paulit-ulit ang panaginip mo na nasa itaas ka ng bundok, puno at iba pa. Gayundin, marami kang pangarap na gustong makamit at kung iyong iisipin ay parang napakaimposible. Pero huwag kang mag-alala, gaanuman kataas ng iyong mga pangarap, mararating mo ‘yan at mapasasaiyo sa pamamagitan ng matinding faith, pananalig, tiyaga at determinasyon.


Samantala, ang tren sa panaginip mo ay nangangahulugan ng paglalakbay. May posibilidad na lumipat ka ng tirahan sa ibang lugar o karatig-bansa at sa lilipatan mo, magiging maganda ang iyong katayuan. Nagpapahiwatig din ito na madaragdagan ang iyong income dahil magkakaroon ka ng bagong pagkakakitaan. Tuluy-tuloy at biglaan ang magiging suwerte mo at kung ikaw ay single, matatagpuan mo na si Mr. Right.


Kaugnay nito, magiging maligaya ka sa piling niya dahil pakakasalan ka niya at magsasama kayo habambuhay. Dahil d’yan, baka hindi mo na maisipan pang bumalik sa Pilipinas. Ituluy-tuloy mo lang ang iyong pangangarap, gaanuman ito kataas dahil nakatunghay sa iyo ang tadhana.


Patunay lang na kahit gaano kataas ang pangarap, maaabot at mararating mo ito kung talagang pagpupursigihang makamit. ‘Yan ang malinaw na ipinahihiwatig ng iyong panaginip. Hanggang dito na lang, nawa’y nasiyahan ka sa pag-aanalisa ko sa panaginip mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page