top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | October 27, 2023




Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorry Ann ng Mandaluyong.

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na namitas ako ng almond sa likod ng aming bahay, nakakolekta umano ako ng tatlong basket. Tinikman ko ito at nasarapan ako, kung kaya’t naparami ako ng kain, nang biglang may dumating na mga kalapati, at pinagtutuka ito.


Ano’ng ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Lorry Ann



Sa iyo, Lorry Ann,


Ang panaginip mo na namitas ka ng almond, tinikman mo ito, at nasarapan ka, ito ay nagpapahiwatig ng paglalakbay. Maglalakbay ka sa malayong lugar, at dahil ang sabi mo ay nasarapan ka sa almond, masisiyahan ka sa iyong paglalakbay at maaari kang makatagpo ng magandang pagkakakitaan sa lugar na pupuntahan mo.


Samantala, ang tatlong basket ng almond na nakolekta mo ay sumasagisag ng pagmamahal sa iyong pamilya. Handa mong isakripisyo ang lahat para sa kanila. Ito rin ay nangangahulugang ayaw mong dinidiktahan ka sa mga bagay na gagawin mo, at naiinis ka kapag may nakikialam sa iyo.


Ang mga kalapati na dumating at pinagtutuka ang pinitas mong almond, ay sign ng kasaganaan at kaligayahan sa buhay. Yayaman at sasagana na ang iyong pamumuhay.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna




 
 

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 11, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gilbert ng Pasig

Dear Maestra,

Napanaginipan ko na pumunta ako sa aming bukid kasama ang aking alagang pusa, at nagpalipad ako ng saranggola hanggang sa tumaas nang tumaas ito.

Kinalmot ako ng alaga ko at nabitawan ko 'yung tali ng saranggola na sumabit sa puno at napatid.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Gilbert

Sa iyo, Gilbert,

Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagpunta ka sa bukid, nagpalipad ng saranggola, ay mapo-promote ka sa pinakamataas na position sa pinapasukan mong kumpanya, at makakatanggap ka ng karangalan sa inyong lugar.


Samantala, pagdating sa iyong love life, ito ay senyales ng paglalakbay na may halong negosyo kasama ang iyong dyowa. Ang nabitawan mo ang saranggola, sumabit sa puno at napatid, ito ay babala na may darating na kamalasan sa buhay mo. Huwag masyadong over confident. Manatiling mapagpakumbaba upang mahadlangan ang kamalasan sa buhay.


Ang kinalmot ka ng pusa, nabitawan mo ang tali ng saranggola, ay sign na may matutuklasan kang hindi magandang pag-uugali ng iyong dyowa. Ikagugulat mo ito dahil hindi mo ito inaasahan.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 17, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lourdes ng Pasig City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nagpapahangin kami ng dyowa ko sa tabing dagat. Masaya siya at palaging nakangiti. Ang sarap damhin ng ihip ng hangin, tapos banayad na banayad ang dampi sa katawan namin. Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?

Naghihintay,

Lourdes


Sa iyo, Lourdes,


Maganda ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagpapahangin kayo ng dyowa mo sa tabing dagat, banayad ang simoy ng hangin at masarap damhin. Ito ay nagpapahiwatig na susuwertehin ka sa pag-ibig, kung saan magiging mapalad ka sa karelasyon mo.


Samantala, ‘yung nakangiti ang dyowa mo, masaya ang mukha ay nangangahulugang tapat siya sa iyo. Totoo ang pag-ibig niya sa iyo at walang halong pagkukunwari. Gayundin, magiging maligaya kayo habambuhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page