top of page
INSIDER - JULIE ANNE, KUMANTA KUNG BAKIT HINIWALAYAN NG FIRST LOVE-IG _myjaps & _aldenrich

Senyales na magkaka-problema at walang matatakbuhang kaibigan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 22, 2021
  • 2 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 22, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jonah ng Sampaloc Manila.


Dear Maestra,

Matagal ko nang gustong magpaanalisa ng aking panaginip dahil hangang-hanga ako sa husay n’yong mag-interpret ng mga ito.

Nais kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na nag-jogging ako sa pagkahaba-habang daan. Wala akong dalang tubig kaya uhaw na uhaw na ako at tuyong-tuyo ang aking lalamunan. Mabuti na lamang, may natanaw akong tindahan at agad akong bumili ng softdrink. Dali-dali ko itong ininom at agad namang bumuti ang aking pakiramdam at muling nag-jogging pabalik sa bahay. Pagdating ko sa bahay, may napakagandang kalapati na puti sa aming halamanan at bigla itong lumipad nang makita ako. Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Jonah


Sa iyo, Jonah,

Ang ibig sabihin ng iyong panaginip na uhaw na uhaw ka sa kaka-jogging ay darating sa punto na magkakaroon ka ng mabigat na problema pero walang kahit na sino ang tutulong sa iyo. Matatagpuan mo ang iyong sarili na sobrang lungkot at halos gusto mo nang wakasan ang buhay mo. Subalit ang sabi mo ay nakakita ka ng tindahan at agad na bumili ng softdrink upang mapawi ang iyong pagkauhaw, ito ay nagpapahiwatig na may naghihintay pang bagong umaga sa buhay mo. Magigising ka na lang isang araw na nalagpasan mo na ang dagok ng buhay at may kaligayahan pang inilaan sa iyo ang tadhana.


Gayunman, ang kalapati sa panaginip mo ay nagpapahiwatig na may magandang balita kang matatanggap na makapagpapabago sa buhay mo, kaya huwag kang mawawalan ng pag-asa. Ang buhay ay pana-panahon o paikot-ikot lang. Pagkatapos ng lungkot, ligaya ang kapalit niyan. Pagkatapos ng ligaya, lungkot na naman. Ganyan ang buhay sa mundo. Walang permanente. Ang mahalaga ay matuto tayong sumayaw sa agos ng buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page