Senyales na labs na labs ng dyowa
- BULGAR
- Feb 17, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 17, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lourdes ng Pasig City.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nagpapahangin kami ng dyowa ko sa tabing dagat. Masaya siya at palaging nakangiti. Ang sarap damhin ng ihip ng hangin, tapos banayad na banayad ang dampi sa katawan namin. Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?
Naghihintay,
Lourdes
Sa iyo, Lourdes,
Maganda ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagpapahangin kayo ng dyowa mo sa tabing dagat, banayad ang simoy ng hangin at masarap damhin. Ito ay nagpapahiwatig na susuwertehin ka sa pag-ibig, kung saan magiging mapalad ka sa karelasyon mo.
Samantala, ‘yung nakangiti ang dyowa mo, masaya ang mukha ay nangangahulugang tapat siya sa iyo. Totoo ang pag-ibig niya sa iyo at walang halong pagkukunwari. Gayundin, magiging maligaya kayo habambuhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Comments