top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Senyales na haharap sa matinding pagsubok

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 14, 2021
  • 2 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 14, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Pauline ng Batanes.


Dear Maestra,

Matagal ko nang gustong sumangguni sa inyo tungkol sa aking panaginip. Palagi akong busy kaya ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong magpaanalisa ng panaginip ko.

Napapanaginipan ko palagi ang edad ko. Mabilis akong tumatanda kahit sa totoong buhay ay 25-anyos pa lang ako, mukha na akong 35 sa aking panaginip. Dahil d’yan, humingi ako ng advice sa aking tiyahin kung ano ang gagawin para hindi ako magmukhang matanda sa tunay kong edad. Nasiyahan naman ako sa advice niya, sinunod ko ‘yun at maganda ang naging resulta dahil bumata ako ng limang taon sa tunay kong edad. Dahil doon, ako naman ang nag-advice sa mga kaibigan ko kung paano hindi tatanda agad at mapapanatili ang pagiging bata. Natuwa naman

ang mga kaibigan ko dahil epektibo ang advice ko sa kanila.

Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?

Naghihintay,

Pauline


Sa iyo, Pauline,

Maraming salamat at nagkaroon ka ng pagkakataong sumangguni sa akin sa kabila ng iyong pagiging abala sa pang-araw-araw mong pamumuhay.


Ang ibig sabihin ng panaginip mo ay dapat mong panatilihing positibo ang iyong pananaw sa buhay. Huwag malulungkot agad dahil ang lahat ng problema ay may katapat na solusyon. Huwag maging isip bata, sa halip, lawakan mo ang iyong isipan sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay.


Gayundin, nagpapahiwatig ang panaginip mo na mahaharap ka sa matitinding dagok ng buhay, subalit huwag kang mawalan ng pag-asa. Malaki ang maitutulong ng mga pinagkakatiwalaan mong kaibigan. Malulutas ang problema mo at mababawasan ang mga pasanin sa buhay. Maging matiyaga at maunawain ka dahil kung may tiyaga, may nilaga.


Ipinahihiwatig din ng panaginip mo na nakatakda kang bigyan ng parangal sa inyong lugar dahil sa iyong kasipagan at kabutihang ipinamalas sa gitna ng pandemya. ‘Yan ang ibig sabihin ng iyong panaginip na ikaw naman ang nagbigay ng advice sa mga kaibigan mo at ikinatuwa nila ito.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page