top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sentinel Node, sisikwat ng panalo sa 3-YO Race

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 17, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo |September 17, 2022


Sisikapin ni Sentinel Node na masikwat ang panalo sa 3-Year-Old Maiden Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas ngayong araw.


Makikipagtagisan ng bilis si Sentinel Node sa distansyang 1,200 meter race, kung saan markado siya ng mga karerista.


Sasakyan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate, makakaalaban ni Sentinel Node sina Montage, Faizah, Columbus at magka-kuwadrang Charming Moon at Agaron.


Nakalaan ang added prize na P10,000 sa mananalong kabayo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


"Mga future champions, malalaman natin kung may ibubuga itong mga batang kabayo," saad ni Justine Vicencio, karerista.


Maliban sa nasabing karera, aabangan din ng mga karerista ang labanan ng walong kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pakakawalan sa pangalawang karera.


Magkakaskasan sa 1,200 meter race ay sina Cupid Bell, Caloocan Girl, Hot Rot Hearts, Battle Scar, Full Combat Order at magkakamping Dugong Bughaw at Prime Time Magic.


May added prize na P25,000 ang ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta habang karagdagang premyong P5,000 ang kukubrahin naman ng winning horse owner.


Samantala, pitong races ang pakakawalan ngayong araw ng Sabado kaya inaasahang malilibang ng husto ang mga karerista.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Sentinel Node (3), Charming Noon (5)

Race 2 - Viva Forever (7), Full Combat Order (8), Battle Scar (6)

Race 3 - Galloping Ghost (1), Don Lucas (5), Namaskar (2)

Race 4 - Queensland (2), Bullet (1)

Race 5 - Marino Ng Tanglaw (5), Starsonfortyfive (1)

Race 6 - Happy Julliane (1) Kusing (3)

Race 7 - Kalanggaman Island (6), Winning Move (2), My Dear Magnolia (5), Classy Babe (8)


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page