top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Senshi Spirit mahusay sa MARHO Sky Way 3

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 20, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | November 20, 2023


Nakitaan ng husay ng mga karerista si Senshi Spirit matapos nitong manalo sa MARHO - Sky Way 3 Trophy race na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Sabado ng hapon.


Kumaskas sa largahan si Senshi Spirit upang hawakan ang dalawang kabayong bentahe sa humahabol na si Eazacky habang nasa tersero naman si Sir William.


Paglapit sa far turn ay nasa unahan pa rin si Senshi Spirit at naka-lamang na ito ng tatlong kabayo sa mga nasa likuran niyang sina Bravo, Eazacky at Sir William.


Kumaripas lalo sa unahan si Senshi Spirit na sinakyan ni jockey JT Pabilic, halos wala ng humahabol kaya naman tinawid nito ang meta ng may 9 na kabayo ang agwat sa pumangalawang Chrome Bell.


Inukit ni Senshi Spirit ang tiyempong 1:23.6 minuto sa 1,400 meter, tumersero si Late Night Lady habang pumang-apat si Bravo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon. Boundary agad ang mga kareristang nakataya sa forecast na Senshi Spirit/Chrome Bell (8/2) dahil nasa P60.00 ang ibinigay na dibidendo para sa limang pisong taya.


Umabot sa 11 races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kaya naman masaya ang mga karerista sa kanilang pananaya.


Isa pang hinahangaan ng mga karerista ay si Elegant Lady sa MARHO - TPLEX Trophy race na pinakawalan sa pangalawang karera. Inilista ni Elegant Lady ang tiyempong 1:26.6 sa 1,400 meter race.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page