top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Senior citizen booklet, pahirap, dagdag-gastos pa sa gobyerno, alisin na

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 1, 2024
1 min read

@Editorial | Pebrero 1, 2024


Iminungkahi sa Kongreso na alisin na ang booklet bilang requirement para makapag-avail ang senior citizen ng 20 percent discount sa kanilang mga binibili.

 

Sa pagdinig ng Committee of Ways and Means, iginiit ng isang mambabatas na ‘useless’ o walang silbi ang nasabing booklet na karagdagang pasanin lang umano para sa mga lolo’t lola.

 

Batid naman natin na dahil matatanda na, madalas ay makalimutan ng mga senior ang kanilang booklet kaya’t hindi na rin nila ma-avail ang discount ng business establishments kahit makiusap sila.

 

Bagay na nakapanghihinayang at sana’y nabibigyan ng pagkakataon na mapag-aralan. 

 

Baka puwede namang sapat na ang ID bilang katibayan na sila ay senior at may karapatan sa diskwento. Lalo na kung ang layunin ng batas ay mabigyan sila ng kagaanan kahit paano at hindi dagdag-pahirap. 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page