Senate inatake, nagkabarilan, mga tao nag-panic... PBBM: Kalma lang kayo
- BULGAR

- 6 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | May 15, 2026

Photo: Bongbong Marcos - FB
Nagbigay ng mensahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko ukol sa nangyaring barilan sa Senado nitong Miyerkules.
Sa video message ni PBBM na ibinahagi sa kanyang Facebook Page, sinabi niya na naka-monitor siya sa mga nangyayari ng higit sa dalawang oras.
“Hindi po gobyerno ang gumawa nito. Walang pumasok na taga-labas na sundalo, na militar, na NBI sa Senado. Hindi po natin alam kung sino ‘yung pumasok kaya nagkaputukan. Aalamin po natin,” anang Pangulo.
Aniya pa, nauna na niyang inatasan ang NBI na lisanin ang Senado at huwag arestuhin si Senator Ronald “Bato” dela Rosa bunsod ng naging desisyon ng Korte Suprema sa hirit ng senador na pagpapalabas ng Temporary Restraining Order kontra sa pagpapatupad ng ICC arrest warrant, kung saan inatasan ng SC ang gobyerno na magkomento rito sa loob ng 72 oras.
“Nais kong maipalam sa ating mga kababayan na itong pangyayaring ito ay tayo ay maging kalma lang po,” anang Pangulo.
“Kalma lang ho, asahan niyo po ang ating gobyerno.”
Matatandaang sa video ni Senate President Alan Cayetano, inilarawan niya ang insidente na ang Senado ay under attack, nagkakaroon ng barilan at nagpa-panic ang mga tao nasa loob.





Comments