top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Senado, ‘di lang pampulitika, pang-showbiz pa?!

BULGAR
May 4, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 4, 2022


BAD JOKE ANG SINABI NI P-DUTERTE NA SA IMPIYERNO MAPUPUNTA ANG MGA DDS – Ang sabi ni P-Duterte na hindi raw siya tatanggapin sa langit, at tiyak daw sa impiyerno ang kanyang punta, at hihintayin na lang daw niya sa impiyerno ang kanyang mga tagasuportang DDS (Duterte Diehard Supporters).


Bagama't joke ay hindi magandang biro ito kasi pinalalabas ni P-Duterte na ubod ng sama ng pagkatao ng kanyang mga tagasuporta kaya't sa impiyerno na lang daw niya hihintayin ang kanyang mga DDS, tsk!


◘◘◘


PAGPAPATIGIL NI P-DUTERTE SA ONLINE SABONG PANG-ELEKSYON LANG PARA IBOTO FOR PRESIDENT ANG KANYANG ANAK? – Ipinatigil na ni P-Duterte ang operasyon ng online sabong.


Hindi naman kaya pang-eleksyon lang ito para iboto ng mga botante ang anak ni P-Duterte na si Mayor Sara Duterte na kandidato sa pagka-bise presidente ng bansa?


Baka kasi pagkatapos ng eleksyon sa Lunes (May 9), ay kinabukasan, araw ng Martes (May 10) ay bigyan uli ng permit ng Duterte gov't. ang online sabong para makapag-operate uli, period!


◘◘◘


ATAKE NI GADON SA SWS AT PULSE ASIA KINA BBM AT SARA NAG-BOOMERANG – Tila yata nagkamali sina presidential candidate, former Sen. Bongbong Marcos at vice presidential candidate, Mayor Sara Duterte sa pagsama kay Atty. Larry Gadon sa senatorial line-up ng BBM-Sara.


Sa mga survey kasi ng SWS at Pulse Asia ay laging top sina BBM at Sara, pero porke hindi nasasama pangalan ni Gadon sa mga senador sa Top 12 ay galit na galit ito sa dalawang survey firms at sinabihang fake daw ang inilalabas na survey ng mga ito.


Ang atake ni Gadon sa SWS at Pulse Asia ay kina BBM at Sara nagbu-boomerang kasi sina Marcos at Duterte ang nangunguna sa survey, tapos porke laglag sa survey si Gadon ay nagdadakdak siya na fake daw ang survey ng SWS at Pulse Asia, period!


◘◘◘


KAPAG NANALO SINA ROBIN AT JINGGOY PANG-SHOWBIZ NA ANG SENADO – Sa mga survey ng iba't ibang survey firms ay laging pasok sa Top 12 sina actor Robin Padilla at Jinggoy Estrada.


Kaya kapag naging senador si Robin at nagwagi uling senador si Jinggoy ay makakasama nila sa Senado ang dalawa pang artista na sina Sen. Lito Lapid at Sen. Bong Revilla.


Onli in da ‘Pinas lang 'yan, na ang gustong maging senador ng mga bobo-tante ay mga taga-showbiz, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page