top of page

Game raw sumama kay Bato ‘pag hinuli rin ng ICC… SEN. ROBIN, PROUD NA TODO-SUPORTA KAY DU30 SA WAR ON DRUGS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 13
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 13, 2025



Photo: Sen. Robin Padilla - IG


Marami ang humahamon ngayon kay Sen. Robin Padilla na tuparin umano ang ipinangako nitong pagsama kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kapag hinuli na ito ng International Criminal Court (ICC.).


Although nagbigay na ng kanyang statement ang aktor-pulitiko bago pa man dinala sa Hague, Netherlands ang dating pangulo, hindi pa ito nasusundan patungkol sa sinasabing 'promise' nito.


Pero sa mga naglabasang naging pahayag ni Sen, Padilla noong 2023 na nabasa namin sa archive ng inquirer.net at may title na "WALANG IWANAN," ganito ang tinuran ni Robin, "Kung huhulihin nila si Bato, isama na nila ako. Dahil ako, isa ako sa mga sumuporta kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte diyan sa drug war. Walang iwanan iyan."


So, kapag pala si Sen. Bato (na nowhere to be found daw sa ngayon, ayon sa mga balita) ang hinuli ng ICC, sasama si Sen. Padilla at hindi pa rito sa pagkakahuli ni dating Pang. Duterte?


Well, for the record, ito ang kauna-unahang pagkakataon na may isang naging pangulo ng bansa at isang Asyano na ipinadampot ng ICC.


Mahaba-habang usapin pa ito dahil magiging labanan at pukpukan ito ng mga mahuhusay sa usaping batas internationally na posible pa ngang magdulot ng mga krisis o conflict sa bansa natin.


Bukod kay Sen. Padilla, marami rin ang mga abangers sa mga taga-showbiz na tumatakbo sa iba't ibang posisyon na either nakadikit kay dating Pangulong Duterte o kay PBBM (Marcos) na tinatawag ngayon ng marami na nagtaksil sa bansa nang dahil sa hindi raw pagbibigay ng proteksiyon sa dating pangulo.

Let's see.


Du30, hinuli na ng ICC…

JAKE: MALAKING TAGUMPAY ITO PARA SA LAHAT NG NAGHAHANAP NG HUSTISYA


DALAWANG magkaibang mukha ng showbiz celebrities ang nasaksihan ng madla kaugnay ng pagkakahuli kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Una na d’yan si Phillip Salvador na daig pa ang abogado sa pagkuda at pagbibigay ng pahayag sa naging pangyayari.


As usual, sobra itong nagpakita ng kanyang emosyon na aakalain mong isang eksena sa movie ang kanyang ginagawa.


Kilalang ‘ardent’ supporter ni Duterte si Kuya Ipe, at normal nang makita siyang umaasta at nagsasalita na kagaya ng dating pangulo.


Ang isa pang mukha ng showbiz na buong-tapang at consistent sa pagpapakita ng kanyang prinsipyo ukol sa usapin ay si Jake Ejercito.


Mabilis na nag-post ang aktor ng kanyang naging saloobin at itinuring nga niyang malaking tagumpay ito para sa lahat ng noon pa'y naghahanap ng justice.


Napaka-ironic lang dahil ang mga names na nabanggit ay kilala sa showbiz bilang may pamilyang magkakaibigan (Sen. Jinggoy Estrada-Phillip as best friends, Jinggoy and Jake as siblings) at magkapatid kung magturingan.


Hmmm… sinu-sino pa kaya ang mga susunod na celebrities na magsasalita na may magkakaibang prinsipyo sa isyu?



“TULOY pa rin ang kaso,” sigaw ni Jellie Aw sa mga bashers na nag-aakusa sa kanya na ginagamit nga niya ang socmed (social media) para maka-gain ng popularity at sympathy.


Nauna na nga rito ang pag-post niya ng tila pagsusumamo ng kanyang ex-fiance na si Jam Ignacio na nakikipagbalikan sa kanya.


Sa latest niyang post, idineklara nga niyang tuloy na tuloy pa rin ang kaso laban sa dating dyowa, lalo’t alam daw niyang marami ring tulad niya na sinaktan ng kanilang mga kasintahan.


May nang-iintriga tuloy kung may pinatatamaan daw ba si Jellie Aw na naging jowa ng kanyang ex na nakaranas din ng pananakit?


Mag-react kaya rito sa Karla Estrada?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page