top of page
FRANKLY - ALFRED- 7-ANYOS KONG ANAK, NANGANIB, IPINAHIYA SA MARAMING TAO, NA-TRAUMA!_FB Al

Sen. Robin, ‘pag tumakbong VP… KYLIE: AALIS NA AKO NG ‘PINAS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 26
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | February 26, 2026



Kylie Padilla - Instagram

Photo: Kylie Padilla - Instagram



Marami naman ang nagsasabi ngayon na marahil nga ay pinagsabihan kundi man ay pinagalitan ni Sen. Robin Padilla ang aktres niyang anak na si Kylie Padilla.


Since nag-viral nga ang naging statement ng aktres sa isyu ng pag-anunsiyo na ‘open’ ang ama sa posibilidad na tumakbong VP sa 2028 elections, tila hindi nga ‘yun nagustuhan ng kampo ng pamilya ng aktres at mga supporters ng ama.


Sa tila birong “Aalis na ako ng Pilipinas” na statement ni Kylie, mukhang nag-iba ang ihip ng hangin dahil may inilabas ngang bagong statement ang aktres.


Ipinapaliwanag niyang ang nais niyang tukuyin ay ang pagnanais niyang magkaroon ng tahimik na buhay. Hindi diumano ‘yun komento para insultuhin ang kanyang ama dahil nagtitiwala raw siya sa judgment nito.


But then again, nasabi na niya ang tila nagbigay-karapatan ngayon sa mga bashers ng ama niya na lalo itong pintasan at insultuhin.


May mga sumang-ayon pa nga kay Kylie Padilla na nagsasabi namang tama lang ang ginawa niya dahil higit kaninuman, siya ang isa sa mga totoong nakakakilala sa ama.

Hmmm...



PALABAN na talaga ang kaseksihan at husay umindak ni Andrea Brillantes.

Sa katatapos na MVPO (Most Valuable Player Overall) Sigla, ang All-Star Basketball event under Sir Manny V. Pangilinan last February 24, talaga namang marami ang humanga kay Blythe sa half-time dance performance nito. 


Sa halos punumpunong Smart Araneta Coliseum ay mistulang dance queen nga ang aktres sa paghataw ng sayaw.


Kahit si Enrique Gil na leading man niya sa upcoming series nila sa TV5 ay bumalik sa upuan nito para lang panoorin ang leading lady, imbes na sana ay magsi-CR break ito.


Together with Dennis Trillo, Pops Fernandez, Sam Concepcion, Herlene Budol at iba pang TV5 stars and MVP group of companies’ employees and their families, enjoy na enjoy si Blythe sa pagbibigay-saya sa mga tagahanga nila.


Sinubukan naming habulin ang aktres after ng performance nito para sana maka-chika, pero kinuyog na siya ng mga tao.



VERY impressive naman ang ipinamalas na basketball moves ni David Licauco na member ng White Team.


Ito ang halos nagbigay ng maraming score para sa team na kinabibilangan din nina Derek Ramsay, Prince Clemente, Kevin Dasom, JC de Vera, Marco Gallo, Boom Labrusca, Michael Ver, Martin Venegas at Dylan Menor, under Coach Luigi Trillo at team manager Atty. William Pamintuan ng Meralco company.


Sila nina JC at Kevin ang masasabing puwedeng tawaging basketball stars dahil nga sa tikas nilang maglaro kaya naman each time na makakaiskor sila o may nagagawang pabor sa team nila, grabe ang palakpakan at hiyawan ng mga fans sa kanila.


Sayang nga lang dahil sa final score na 60-59 ay tinalo sila ng Blue Team under Coach Jojo Lastimosa at team manager na si Mr. Ricky Vargas ng PLDT group naman.


Member naman ng Blue Team sina  Diego Loyzaga, Joao Constancia, Wendell Ramos, Cedrick Juan, Rabin Angeles, Prince Carlos, Lance Carr, Ryan Eigenmann, CJ Ramos, habang nasa injury list naman sina Enrique Gil at Paulo Angeles. 

Ang dalawang free throws ni Wendell ang nagpapanalo sa team sa last .4 seconds ng laro. 


Nagsilbing ‘cheerer’ naman si Enrique ng team dahil wagas ito kung makasigaw na may patayu-tayo pa at sayaw-sayaw to the delight of his fans.


Member din ng team ni Coach Jolas ang sikat na PBA star na si CJ Cansino, pero para maging fair ang laban, ginawa na lang siyang pamparami ng cheers. Hahaha!


Pero sa totoo lang, si Rabin ang naringgan namin na may pinakamaraming hiyawan at sigawan kahit pa nga bagitung-bagito itong magdala ng bola.

Ang mahal nating si Madam Chaye Cabal-Revilla ng MPIC (Metro Pacific

Investments Corp.) ang nagsilbing chairwoman ng kauna-unahang MVPO o Manny V. Pangilinan Olympics.


Congratulations nga po sa success ng event.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page