Sen. Ping, napikon nang sabihang ‘puro salita, kulang sa gawa’ ni VP Leni
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 29, 2022
HINDI DAPAT MAPIKON SI LACSON SA SINABI NI VP LENI–Tinanong ni ABS-CBN TV host Boy Abunda si Vice-Pres. Leni Robredo kung bakit hindi dapat ibotong pangulo si Sen. Panfilo “Ping” Lacson, at ang tugon ng bise-presidente, “Maraming salita pero kulang sa on-the-ground na gawa.” At sa sinabing ito ni VP Leni, napikon ang senador.
Sa totoo lang, hindi dapat mapikon si Lacson dahil totoo namang ni-anino niya ay hindi nakikita ng publiko para tumulong sa mga biktima ng kalamidad at maging sa mga naapektuhan ng lockdown sa panahon ng pandemya, period!
◘◘◘
NAKATAGONG PERA NG MGA TRAPO, ILALABAS NA NGAYONG HALALAN–Inanunsiyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na lumago ng 7.7% ang ekonomiya ng bansa sa huling quarter ng 2021.
Talagang uunlad ang ekonomiya ng bansa dahil ang nakatagong pera ng mga trapo (traditional politician) ay ilalabas na nila matapos makapag-file ng COC (certificate of candidacy) sa Comelec at ginagamit na nila ngayon ang kanilang salapi sa pangangampanya.
Pagkatapos ng eleksiyon, asahang maghihingalo na naman ang ekonomiya dahil itatago na ulit ng mga trapo ang kanilang kuwarta, boom!
◘◘◘
P-DUTERTE, SABIT SA PS-DBM-PHARMALLY SCAM?–Ilalabas na umano ni Sen. Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa PS-DBM (Procurement Service-Dept. of Budget and Management) at Pharmally Pharmaceutical Corp. multi-billion peso scam.
Ayon sa senador, sabit sa anomalyang ito si P-Duterte.
Eh, sa astang abogado ni P-Duterte sa mga sangkot sa scam, talagang pagdududahan ng publiko na sabit sa katiwaliang ito ang pangulo ng Pilipinas, period!





Comments