Sen. Ping Lacson, nilinaw ang viral pic kasama ang mag-asawang Discaya
- BULGAR
- 14 hours ago
- 1 min read
by Info @News | October 1, 2025

Photo: Sarah Discaya at Lacson - Circulated
Diretsahang sinagot ni Senator Ping Lacson ang viral picture na kasama niya ang mag-asawang sina Curlee at Sarah Discaya.
Aniya, kuha ang naturang larawan bago matapos ang campaign period para sa May 2025 midterm elections.
Ayon kay Lacson, dinala ng anak ng namayapang si Maj. Gen. Francisco Villaroman na si Fred Villaroman sa kanyang opisina sa Taguig City noong Abril ang mag-asawang Discaya upang imbitahan siya sa isang rally ng partylist na “Ako’y Pinoy.”
Paglilinaw naman nito, tinanggihan niya ang alok bilang respeto kay Senate President Tito Sotto, na tiyuhin ni Pasig City Mayor Vico Sotto na kalaban noon ni Sarah sa pagka-alkalde.
“I did not know the Discayas and that was the first and only time outside of the Blue Ribbon committee hearings that I met them. That meeting took around 15-20 minutes but not before that group photo was taken,” saad ni Lacson.
Comments