SEN. PACQUIAO, P229M ANG BINAYARANG TAX NU'NG 2019
- BULGAR

- Oct 17, 2020
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 17, 2020

Lantad sa publiko ang yaman ni Sen. Manny Pacquiao. Lahat ng kanyang magagarang bahay, mga luxury cars at pati ang lahat ng negosyong kanyang ipinundar ay hindi niya inililihim sa publiko.
Wala siyang hidden wealth at base sa record ng BIR, si Pacman ang Pinoy celebrity na may pinakamalaking tax na binayaran.
Umabot sa P229 M ang tax ng kanyang properties at kinita noong taong 2019. At dito rin ibabase ang kanyang babayarang tax sa 2020!





Comments