Sen. Migz Zubiri, bilang Senate president ng 19th Congress
ni Lolet Abania | July 25, 2022

Opisyal na inihalal ng mga senador, sa pagbubukas ng 19th Congress ngayong Lunes, si Senator Juan Miguel Zubiri bilang bagong Senate president.
Dalawampung senador ang bumoto na iluklok si Zubiri bilang head ng chamber. Inilarawan ni Senator Joel Villanueva, sa pag-nominate kay Zubiri, bilang aniya, “most qualified and eligible” sa posisyon.
Kasunod din sina Senators Loren Legarda, Jinggoy Estrada, Grace Poe, at JV Ejercito na pinili si Zubiri.
Sina Senators Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano ay nagpahayag on record na hindi sila lumahok sa ginanap na eleksyon ng Senate president.
Gayunman, bilang tradisyon, ang mga hindi nakibahagi sa eleksyon ng Senate president ay kinokonsiderang mga miyembro ng minority, subalit ayon sa magkapatid na Cayetano sila ay magiging “independent” senators sa 19th Congress.
Sina Senators Risa Hontiveros at Aquilino “Koko” Pimentel III ay nag-abstained sa pagboto kay Zubiri. Sila ay awtomatiko na miyembro ng minority bloc.
Bukod sa paghalal ng Senate president, ang mga senators ay nag-elect din ng mga chairmen ng chamber’s standing and special committees sa 19th Congress.
Matatandaan noong Mayo, nagpahayag ng intensyon si Senator Cynthia Villar na maging Senate president, subalit binawi niya ito habang ibinigay ang kanyang suporta kay Zubiri.





Comments