top of page
BIDA - CLAUDIA, PINAPAPALITAN NG BARRETTO ANG APELYIDO-IG _claudia & _dennisastig.jpg

Sen. Imee, sumulat kay PBBM... NBI Chief Matibag, sibakin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 15
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | May 15, 2026



Sen. Imee Marcos at NBI Chief Matibag - Senate PH - NBI

Photo: Senate PH / NBI



Sa kabila ng naganap na paglusob ng mga operatiba diumano ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Senado noong Mayo 11 at 13, nanawagan si Senador Imee Marcos kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pansamantalang tanggalin ang ilang opisyal ng ahensya.


“Malinaw na pambabastos sa institusyon ng Senado ang nangyari, kawalan ng galang sa mga senador, at tahasang pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga halang ang sikmura,” diin ni Marcos.


Sa isang liham na ipinadala kahapon, pinangalanan ng senador sina NBI Director Atty. Melvin Matibag, NBI-National Capital Region Chief Atty. Emeterio Dongallo Jr., at NBI-Organized and Transnational Crime Division Chief Atty. Jerome Bomediano na kailangang alisin muna sa puwesto habang iniimbestigahan ang insidente.


“Kung totoong walang itinatago, bakit kailangan nilang lusubin ang Senado? Sino ang nagbigay ng utos at sino ang nakinabang sa kaguluhang ito?” ani Marcos.


Pormal ding inihain ni Marcos ang Senate Resolution No. 396 upang maimbestigahan ang umano’y pag-atake ng mga tauhan ng NBI, iba pang law enforcement agencies, at mga pribadong indibidwal sa Senado.


“Hindi kami mananahimik habang unti-unting niyuyurakan ang kalayaan at dignidad ng Senado, panagutin ang mga dapat managot,” pagtatapos ng senador.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page