Sen. de Lima, baka unang masampolan ng death penalty, ayos!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 26, 2020
SINOVAC NA GAWANG CHINA NA UBOD NG MAHAL ANG PRESYO, 50% LANG ANG EFFICACY?—Sa pagsusuri ng Department of Science and Technology, ang bakunang Sinovac na made in China ay 50% lang ang epektibo sa paglaban sa coronavirus, samantalang ang Pfizer na gawang Amerika ay 90% ang efficacy, at 75% naman ang AstraZenica na gawang Europe.
Tapos ang gustong bilihin ng Duterte gov’t. ay Sinovac kahit ubod ito ng mahal, kumpara sa mga murang bakuna na gawang Amerika at Eurpope, buwisit!
◘◘◘
DELIKADO SI SEN. DE LIMA SA DEATH PENALTY—Sa parusang kamatayan na nais ibalik sa Pilipinas ng kasalukuyang administrasyon, tanging drug trafficker lang umano ang pasok sa ‘death penalty’.
Kung ganu’n, delikado pala si Sen. Leila de Lima na isinasangkot sa ilegal na droga kaya nakulong kasi kapag batas na ulit ang parusang kamatayan ay baka siya ang unang maging sampol na isalang sa “bitayan”, boom!
◘◘◘
WALANG PAGSISI SA UNA, ANG LAHAT NANG PAGSISISI NASA HULI—Nagsisisi si P/Sgt. Jonel Nuezca ng Parañaque City police sa pagkakapatay niya sa mag-inang Sonya at Frank Antonio Gregorio sa Tarlac, na ayon sa killer cop, kung maibabalik lang daw niya ang nakaraan ay hindi niya ito gagawin.
Patunay ‘yan na walang pagsisisi sa una, na ang lahat nang pagsisisi ay nasa huli, period!
◘◘◘
HINDI KAYA MASYADONG MARAMI NA ANG BAD KAYA LUMINDOL SA ARAW NG PASKO?—Sa mismong araw ng Pasko ay lumindol.
Hindi kaya masyadong marami na ang bad sa Pilipinas, at ang lindol ay paalala ng Diyos sa mga bad na magpakatino na? Boom!





Comments