top of page
Search
  • BULGAR

Sen. Bong Go, ‘rockstar’ ang arrived, bisyo niyang magserbisyo puwedeng pang-Pres. o VP sa 2028

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | April 19, 2024




SEN. BONG GO, SURE WIN SA RE-ELECTION KASI ‘ROCKSTAR’ ANG ARRIVED NIYA SA TAO -- Sa pagtungo ni Sen. Bong Go sa Sta. Cruz. Laguna ay “rockstar” ang arrived niya sa rami ng mga taong sumalubong sa kanya, at hindi lang sa lugar na ‘yan, kundi kahit saan siyang mapuntang lugar ay dinudumog siya, at marahil ang karamihan sa mga sumasalubong sa kanya ay mga kababayang natuwa sa kanyang ginawang Malasakit Center para sa free hospitalization at free laboratory sa mga Super Health Center na kanyang itinatag.


Ang lakas ng arrived ni Sen. Bong Go sa tao ang patunay na sure win na siya sa kanyang re-election sa 2025 senatorial election, period! 


 

SEN. BONG GO NA ANG BISYO MAGSERBISYO MAY ‘K’ MAGING PRESIDENTE O VP NG ‘PINAS SA 2028 -- Kung si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio ay kakandidatong presidente sa year 2028, tiyak hindi tatakbong presidente si Sen. Bong Go, pero puwede siyang sumabak sa pagka-bise presidente, at kung sakaling umayaw si VP Sara na lumahok sa 2028 presidential election ay tiyak na siya (Sen. Bong Go) ang ipanlalaban ni ex-P-Duterte sa pagka-presidente ng bansa.


At sana, kung magpapa-survey man uli ang mga survey firm patungkol sa 2028 presidential at vice presidential survey ay isama ang pangalan ni Sen. Bong Go, kasi ang tulad niya na may napatunayan na sa pagseserbisyo, na ang “Bisyo ay Magserbisyo” ang may “K” maging presidente o bise presidente ng ‘Pinas sa 2028, period!


 

ANG PROMISE NI PBBM P20 PER KILONG BIGAS, HINDI P39 PER KILONG BIGAS -- Hindi dapat ibida ng Malacanang at ng Dept. of Agriculture (DA) na may P39 per kilo ng bigas sa mga Kadiwa Stores.


Una, hindi naman lahat ng munisipalidad o lungsod ay may Kadiwa Store, at pangalawa, hindi naman P39 per kilong bigas ang promise ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa mamamayan, kundi P20 per kilong bigas, boom!


 

‘SUNTOK SA BUWAN’ NA GIGINHAWA ANG BUHAY NG PINOY SA ECONOMIC CHA-CHA KASI TALAMAK PA RIN ANG KORUPSIYON -- Kalokohan ang survey ng Pulse Asia na 64% daw ng Pinoy ang naniniwala na gaganda ang kanilang buhay sa “Economic Cha-cha (Charter Change)”


Hangga’t kasi talamak ang korupsiyon sa ‘Pinas, kahit pa magka-Economic Cha-cha, ay “suntok sa buwan” na umasenso ang buhay ng mamamayang Pinoy, period!


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page