top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Semana Santa, gawing ligtas at mapayapa

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 20, 2024
1 min read

@Editorial | Marso 20, 2024


Ngayong papalapit na ang Semana Santa, asahan nating dadagsa ang mga turista at kani-kanyang uwi na ang mga tao sa kanilang mga destinasyon.


Para maging maayos ang pagbiyahe ng publiko, magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng 7,000 tourist policemen.


Ang mga tourist policemen umano ang magbabantay ng seguridad ng mga banyaga at lokal na turista na dadagsa sa iba’t ibang lugar.


Bukod pa rito, magde-deploy din ng 427 police service dogs sa mga transport terminals.


Kaugnay nito, umaasa tayo na makikipagtulungan ang publiko upang mairaos ang mapayapang Semana Santa.


Nagkalat din kasi ang mga masasamang loob lalo na’t dagsaan ang mga tao sa transport terminals, airports, seaports, simbahan, at maging sa mga religious destinations, kaya ito ang higit na babantayan at tututukan ng mga otoridad.


Sa ngayon, wala pa naman umanong natatanggap na anumang credible threats sa paggunita ng Mahal na Araw.


Lagi nating isapuso at isaisip kung ano ang tunay na layunin ng Semana Santa at ‘wag na sanang mamerhuwisyo pa ng ibang tao.


Magbalik-loob tayo sa Panginoon at humiling ng kapatawaran sa Kanya at magsimula ng maganda at maayos na buhay.


Gamitin din sana natin ang panahong ito upang magbawas ng kasalanan at hindi dagdagan pa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page