top of page
Search
  • BULGAR

Selos yaaarn? KIM, KINUROT ANG HITA NI PAULO DAHIL SA LIPS-TO-LIPS KAY KYLIE

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 26, 2024




MARAMI ang napa-wow nang dumalo si Kim Chiu sa premiere night ng Viva film titled Elevator na pinagbibidahan nina Paulo Avelino at Kylie Verzosa nito lang April 23.


Tanong ng ilang tribu ni Mosang, kaya raw ba dumalo si Kim ay para i-support ang movie ni Paulo na nali-link sa kanya lately after ng hiwalayan nila ni Xian Lim or para sure na mabantayan nitey ang pagdikit-dikit ni Paulo kay Kylie?


Another tanong.... hindi raw kaya ito nagselos habang pinapanood ang super hot kissing scenes nina Pau at Kylie at bakit pasimpleng kinurut-kurot ni Kim ang hita ni Pau habang ipinapakita nga sa big screen ang lips-to-lips ng mga bida?


Well, no one knows kundi silang dalawa lamang, boom, ganern!


“'Pag si Paulo, binibigyan ng role, ginagawa niya nang sobra,” sey ni Kim nang tanungin kung ano ang expectation niya sa bagong movie ng kanyang rumored boyfriend.


Agree naman ang ilang invited press pipol kay Paulo nang sabihin niyang “feel-good” lang ang kuwento ng Elevator at inspiring din dahil ipinakita rin sa pelikula kung paano magsumikap at magtrabaho nang marangal ang ating mga OFWs.


‘Yun lang and I thank you.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page