Sekyu, niratrat ng 2 lalaking de-kotse, dedo
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Levi Gonzales @News | August 11, 2026

Photo: File
Patay ang isang 59-anyos na security guard matapos pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki sa Sitio Maagay 2, Brgy. Inarawan, Antipolo City, Rizal.
Kinilala ang biktima sa alyas Pio, stay-in security guard sa isang lupain sa lugar.
Ayon sa imbestigasyon, alas-9:50 ng umaga, naglalakad ang biktima nang biglang bumaba mula sa isang itim na kotse ang dalawang suspek at ilang beses siyang pinaputukan bago nagsitakas.
Nagsagawa naman ng technical crime scene investigation, forensic examination at documentation ang Rizal Provincial Forensic Unit.





Comments