Sekyu nag-tsek ng baril, pumutok, pasyente sapul

by Mervin Reyes @News | October 4, 2026

Photo: Frp
Sugatan ang isang babaeng bantay ng pasyente matapos aksidenteng pumutok ang service firearm ng isang security guard sa Representative Pedro G. Trono Memorial Hospital sa Guimbal, Iloilo kahapon ng umaga.
Batay sa imbestigasyon, nagsasagawa ng protocol ang guwardiya at sinusuri ang kanyang service firearm nang akalain niyang wala na itong bala.
Kinalabit umano niya ang gatilyo at biglang pumutok ang baril. Tumama ang bala sa tiles ng sahig at tumalsik ang mga piraso nito, na tumama sa noo ng babaeng bantay ng isang pasyente.
Agad na ginamot ang biktima habang nagtamo rin ng galos ang security guard.
Hinihintay pa ng pulisya kung magsasampa ng reklamo ang biktima laban sa guwardiya.





Comments