Sektor ng kalusugan, sapat na pagkain at trabaho ang prayoridad sa P4.506 trilyong budget sa 2021
- BULGAR

- Sep 6, 2020
- 2 min read
ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | September 6, 2020
Naipasa na ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kongreso ang panukalang P4.506 trilyong budget para sa taong 2021. Ito ay mas mataas ng siyam (9) na porsiyento kumpara sa P4.1 trilyong budget ngayong taon.
Inaasahang maipagpapatuloy ng pamahalaan ang kampanya laban sa COVID-19 pandemic sa tulong ng budget na ito.
Tututukan natin ang maayos na paglalaan ng budget para sa mga sektor na kailangang tulungan, lalo na pagdating sa pagpapalakas at pagpapaunlad ng sektor ng kalusugan, ang pagsisiguro ng food security at sufficiency at ang paglilikha at pagsasagip ng trabaho.
☻☻☻
Isa rin sa mga kailangan nating tutukan ngayon ay ang ongoing na voter registration.
Matatandaang nagsimula na nitong nakaraang linggo ang pagpaparehistro ng mga bagong botante at paglilipat ng registration.
Dahil na rin sa safety at health issues na kaakibat ng pandemya at upang mapabilis ang inyong pagpaparehistro bilang botante, hinihimok i-download at sagutin ang mga form bago kayo pumunta sa lokal na opisina ng Comelec.
Tatlong (3) kopya ang kailangang i-submit sa Comelec.
☻☻☻
Maaari pong i-download ang mga sumusunod na forms sa mga link sa baba:
Voter Registration Form:
https://www.comelec.gov.ph/php-tpls-attachments/VoterRegistration/ApplicationsForms/CEF1_Revised.pdf
Supplementary Data Form:
https://www.comelec.gov.ph/php-tpls-attachments/VoterRegistration/ApplicationsForms/Annex_B_SupplementaryData.pdf
Gumamit ng long bond paper (8.5” x13”) sa pag-print ng mga form na ito.
☻☻☻
Kung sakaling hindi ninyo ma-access ang links sa itaas ay maaari pa ring mag-download sa alternate download site ng Comelec. Hindi na kailangang mag-print ng tatlong (3) kopya kung magda-download sa link sa ibaba:
https://jamesjimenez.com/jabjimenez/registration-forms-download-here/
☻☻☻
Ipinapayo ng Comelec na tapusin ang pag-fill up ng kinakailangang datos bago pumunta sa opisina nila, maliban na lamang sa pagpirma o signature at paglalagay ng thumbmark sa form.
Ito ay gagawin ninyo sa opisina ng Comelec.
Inaabisuhan din na magdala ng kahit anong valid ID (tulad ng passport, school ID, postal ID, at iba pa) para sa inyong pagkakakilanlan at sariling ballpen na gagamitin sa pagpirma.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments