top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Segregation scheme sa MRT3, ibinalik ng DOTr

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 21, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | August 21, 2022



Ibinalik ng Department of Transportation (DOTr) ngayong Linggo ang ipinatutupad na segregation scheme sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), na layong makapagbigay ng higit na ginhawa sa mga kababaihan, mga bata, at matatanda o elderly.


Sa isang advisory, sinabi ng DOTr na ang unang dalawang pinto ng unang train car ay ide-designate para sa eksklusibong paggamit ng mga senior citizens, persons with disability (PWDs), buntis, at may mga dalang bata.


Ang huling tatlong pinto sa unang train car ay eksklusibo naman para sa mga babaeng pasahero, habang ang natitirang train set ay para sa lahat ng ibang mga pasahero.


“Mayroon po tayong sapat na bilang ng mga tren na handang i-deploy lalo tuwing peak hours, at tuluy-tuloy rin po ang pagde-deploy natin ng mga train at security marshals upang magpanatili ng kaayusan at kaligtasan ng mga pasahero sa mga istayon at tren,” pahayag ni MRT3 General Manager Federico Canar Jr.


Binanggit naman ng DOTr na ang minimum public health standards ay patuloy na ipatutupad, kabilang ang mandatory na pagsusuot ng face masks habang boluntaryo ang paggamit ng face shields.


Ipinagbabawal din sa mga pasahero ang pakikipag-usap sa phone at kumain habang nasa mga istasyon at loob ng tren, at hinihikayat naman na sumunod sa mga physical distancing measures.


Sa mga may sintomas ng COVID-19, ipinagbabawal din na gumamit o sumakay ng anumang pampublikong transportasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page