top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Secretly married na raw ba? RAYVER AT JULIE ANNE, PANG-MAG-ASAWA NA ANG LAMBINGAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 7, 2024
  • 1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | Abril 7, 2024



Excited na nagkuwento sa amin ang aming mga kaanak and friends sa Calgary, Canada na sulit na sulit ang saya nila sa ginawang show ng Sparkle's Best na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, Barbie Forteza at David Licauco, at Bianca Umali at Ruru Madrid last April 5 (Biyernes).

Tunay namang nagmistulang "Valentine's Event" ang naganap sa mga kilalang tandems na dumayo pa sa Canada. Grabe raw ang kilig at aliw ng mga humanga sa galing kumanta ni Julie Anne habang halos "lamutakin" na ito sa stage ni Rayver, na super sexy naman daw gumiling sa dance number nito.


Hindi naman nagpahuli ang BARDA nina Barbie at David na grabe ring tinilian lalo na raw nang makipag-"harutan" sa audience si David.

And yes, magpapahuli raw ba sina Bianca at Ruru na for real din ang mga ginawa sa stage?


Ang kaibigan nating si Boobay ang nagsilbing tagapagtawid ng show sa direksiyon ni Mr. M a.k. Johnny Manahan na of course ay tunay namang may magic hands pagdating sa mga world-class entertainment lalo na sa pagpapakilig.


Ngayong April 7 ang last show nila na magaganap naman sa Toronto Pavilion, and sure kaming kung marami ang kinilig at nasiyahan sa Calgary show nila, blockbuster din ang Toronto leg nila.


May intriguing tsika lang ang mga nagbigay-update sa amin. Mukha daw kasing mag-asawa na kung maglambingan sina Rayver at Julie Anne, kaya nagtatanong sila kung baka may pasikreto nang ganapan sa dalawa, hahaha!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page