top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Secret Romance, lumabas ang tikas

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 31, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | January 31, 2022

Ipinakita ni Secret Romance ang tikas nito sa karera matapos manalo sa 2022 PHILRACOM Rating Based Handicapping System na inilarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.


Sinakyan ni class A rider Mark Angelo Alvarez, sinundan lang muna ni Secret Romance ang naunang si Tocque Bell subalit papalapit sa far turn ay kumukuha na ng unahan ang winning horse.


Pagsungaw ng rektahan ay nangunguna na ang anak nina Ultimate Goal at No Day Is Lost na si Secret Romance at kahit malakas ang dating ni Big Bertha ay nanatili ito sa unahan.


Nagwagi si Secret Romance ng may isang kabayo ang agwat sa nasegundong Big Bertha, nakapagtala ito ng tiyempong 1:31.2 sa 1,400 meter race.


"Maganda ang ipinakitang performance ni Secret Romance, lumabas ang galing sa karera," saad ni Rodrigo Gonzales, veteran karerista.


Hinamig ni horse owner Jose Angelo Regala ang added prize na P5,000 sa pagkakapanalo ni Secret Romance sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


Tumersero sa laban si Stripe Of Pink habang pumang-apat si Victoriousprincess na ginabay ni OP Cortez.


Hindi nagpadaig si Anino nang manalo sa Condition Race (19) na pinakawalan sa pangalawang karera.


Inuna agad ni jockey MM Gonzales si Anino sa largahan upang manalo ng wire-to-wire laban sa lima pang kalahok.


Inilista ni Anino ang 1:31.2 sa 1,400 meter na distansya.


Dumating na segundo si Heroesdelninetysix, pumangatlo si Concepcion habang pang-apat si Mandatum.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page