SEAG champ Escarpe at Quelino bibira sa Asian Games Kurash
- BULGAR

- 4 hours ago
- 1 min read
by Gerard Arce @Sports News | August 23, 2026

Photo: Kurash Team PH
Nakatuong makamit ang pinakamataas na karangalan at makapag-ambag sa kabuuang listahan ng medalya ang puntirya ng Philippine Kurash team na pagbibidahan nina 2021 Southeast Asian Games gold medalist Jackielou Escarpe at Asian Senior Championship runner-up Charmea Quelino sa darating na 20th Aichi-Nagoya Asian Games sa Japan.
Bagaman hindi napasama ang pampalakasan sa huling nagdaang SEAG 2023 sa Phnom Penh, Cambodia at noong 2025 sa Bangkok, Thailand, nananatiling handa ang koponan, na abala rin sa iba pang mga kaganapan at torneo na nilalahukan sa loob at labas ng bansa.
Sumabak sa magkasunod na event ang Kurash national athletes sa 2nd KUSEA Championship at 1st KUSEA Beach Kurash Championship, indoor at beach competitions noong 2025, habang nasa Japan upang ipagpatuloy ang isang-buwang pagsasanay.
“We’re hopeful na makakuha tayo ng gold medal(s) or makapag-contribute tayo ng kahit anong medalya. May isang buwan pa kaming nagte-training, kaya hopefully mas pumukpok pa lahat sa training para sa gintong medalya,” pahayag ni national team coach Jillou Mosqueda sa panayam ng Bulgar Sports kahapon.
Ito ang unang sabak ni Escarpe sa Asian Games, na ibabandera ng bansa sa men’s under-66kgs kasama si dating UAAP judo MVP at 12th Asian Senior Championship bronze medalist Nick Gabriel Ligero, habang sasagupa rin sa unang subok si Czar Augustus Bayas sa men’s under-81kgs category.





Comments