SEA Plus Youth Games paghahanda sa Int'l tilt
- BULGAR

- 2 days ago
- 1 min read
by Gerard Arce @Sports News | July 13, 2026

Photo: Nagtipon ang mga pinuno ng bawat bansa mula sa 11 ASEAN members at 17 imbitadong bansa na lalahok sa Southeast Asian Plus Youth Games or SEA Plus YG sa Dis. 2-14, 2027 sa pangunguna ni Philippine Olympic Committee (POC) President Atty. Abraham “Bambol” Tolentino para maihanda sa international tilt ang mga atleta. (pocpix)
Upang mas maihanda ang mga kabataang national athletes mula sa 18 pampalakasan sa mga malalaking pandaigdigang kompetisyon ay idaraos ang kauna-unahang Southeast Asian Plus Youth Games or SEA Plus YG sa Dis. 2-14, 2027 sa iba’t ibang sports facilities sa bansa.
Nagtipun-tipon ang mga pinuno ng bawat bansa mula sa 11 ASEAN members at 17 imbitadong bansa na lalahok sa naturang youth sports event sa pangunguna ni Philippine Olympic Committee (POC) President Atty. Abraham “Bambol” Tolentino sa idinaos na executive council meeting kahapon sa Solaire Resort and Casino sa Parañaque City.
“Naisip ko 'yan nu'ng Bahrain Asian Youth Games, so Asian Youth Games papunta ng Youth Games, parang kulang, kumbaga pagdating mo ng school diretso ka na ng Asian Games? Sina Palarong Pambansa, sina Batang Pinoy diretso na ng Asian Games. Parang may kulang. Mayroong mga Junior World Championships, pero kulang eh. So, eto yun, Southeast Asian Youth Games,” pahayag ni Tolentino sa isang report.
“Bakit Plus? Para 'yung non-ASEAN maisama natin para mas marami, mas maganda ang competitive. Mas marami pa nga 'yung plus kesa sa original na ASEAN,” dagdag ni Tolentino, kasama si Asian Volleyball Confederation President Ramon “Tats” Suzara.





Comments