top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Scripted ang resulta ng ‘Kalye Surbey’ ng UP?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 24, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 24, 2022



BAKA KAPAG SI YORME ANG NANALO, SI BANAYO ANG PALAGING MASUNOD–Sabi ni Lito Banayo, campaign manager ni presidential candidate, Mayor Isko Moreno na siya ang nagpasyang huwag isama ang katandem ni Yorme na si vice-presidential candidate Dr. Willie Ong sa political rally ni Isko sa Mindanao dahil ang gusto ng mga residente sa rehiyong ito ay ang tandem na Isko-Sara (Duterte) at hindi ang Isko-Willie.


Ganun? Aba, hindi magandang pangitain ‘yan kasi kapag si Isko ang nagwaging pangulo, baka ang kagustuhan ni Banayo ang palaging masusunod sa pagpapatakbo ng pamahalaan at hindi si Yorme, buwisit!

◘◘◘


MALAMANG, NAGSISISI NA SI DR. WILLIE ONG SA PAKIKIPAG-TANDEM KAY YORME–Hindi man aminin, tiyak na nagsisisi na si Dr. Willie sa naging pasya na pakikipag-tandem bilang kandidatong bise presidente ni Isko kasi lantaran na siyang inilalaglag ng kampo ni Yorme.


Sayang talaga ang political career ni Dr. Willie kasi kung pagka-senador ang tinakbuhan niyang posisyon ay malaki pa ang chance niyang manalo, pero sa nangyayari ngayon, “suntok sa buwan” kung manalo siya kasi ang baba na nga ng rating niya sa survey, tapos inilalaglag pa siya ng kampo ni Isko, period!

◘◘◘


SANGKATERBANG KASONG KATIWALIAN ANG ISASAMPA KAY P-DUTERTE KAPAG WALA NA SIYA SA PODER–Nanawagan si P-Duterte sa publiko na kung may duda silang ninanakaw ng mga opisyal ng gobyerno ang ibinabayad na tax ng mamamayan sa pamahalaan ay puwede naman daw sampahan ng kasong katiwalian ang corrupt gov’t. officials.


Mangyayari talaga ang sinabing ‘yan ni P-Duterte, lalo na kapag wala na siyang immunity sa pagsapit ng July 1, 2022 kasi iba’t ibang sektor na ang nagsabing sasampahan nila ng sangkaterbang kaso ang pangulo na may kinalaman sa mga katiwalian sa PhilHealth, Department of Health, Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM)-Pharmally scam kapag wala na siya sa poder, boom!

◘◘◘


RESULTA NG ‘KALYE SURBEY’, SCRIPTED–Base sa pag-aaral ng University of the Philippines (UP) School of Statistics, minamaniobra lang ng mga tagasuporta ng ibang kandidato ang resulta ng kanilang “Kalye Surbey.”


Tila sinabi na rin ng UP na scripted ang mga “Kalye Surbey” para palabasing malakas na kandidato ang “manok” ng mga taong nagsasagawa nito, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page