top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Scorpions at Builders, mabangis sa D-League

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 30, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | July 30, 2022




Ginulat ng Centro Escolar University ang Wangs Basketball-Letran, 81-75, sa 2022 PBA D-League Aspirants Cup kamakalawa sa Ynares Sports Arena. Lalong humigpit ang standing ng torneo matapos gulatin ng Builders Warehouse-UST ang numero unong Marinerong Pilipino sa pangalawang laro, 88-80.

Mahigpit na depensa ang susi para sa CEU na umarangkada palayo sa simula ng fourth quarter kung saan hindi nila pinapuntos ang Knights habang bumuhos ng unang siyam na puntos para sa kanilang pinakamalaking lamang, 72-56. Winasak ng three-points ni Brent Paraiso ang matagal na katahimikan ng Wangs subalit nabura ito agad ng three-point play ni Victor Balogun ng Scorpions at manatili ang lamang papasok sa huling tatlong minuto, 75-59.

Biglang nabuhayan ang Knights at bumanat ng mga tres sina Fran Yu, Kurt Reyson at Paraiso upang lumapit, 75-79. Nabitin ang kanilang paghabol at sinigurado ng dalawang free throw ni Franz Diaz sa huling 17 segundo ang ikatlong panalo ng CEU sa anim na laro.

Bumida ng todo si Diaz sa kanyang 22 puntos. Tinulungan siya nina Jerome Santos na may 14 puntos at Balogun na may 13 puntos.

Matapos magwagi sa unang tatlong laro, dalawang sunod na ang talo ng Wangs para sa kartadang 3-2 at lumagpak sila sa ika-apat na puwesto. Tumira ng limang tres si Paraiso patungo sa 20 puntos at sinundan ni Reyson na may 14 at Yu na may 11 puntos.

Pumorma ng husto ang Builders Warehouse upang kumalas sa 32-32 tabla at itayo ang 53-41 na lamang sa third quarter. Uminit para sa walong puntos sa simula ng fourth quarter si Paul Manalang at sinundan ng mga mahahalagang tira nina Nic Cabanero at Sherwin Concepcion upang malupig ang mga banta ng Skippers.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page