School transport service, balik-operasyon na – LTFRB
ni Lolet Abania | August 5, 2022

Pinayagan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbabalik ng mga school transport services kasabay ng pagbabalik din ng mga paaralan sa in-person classes ngayong buwan.
Una nang inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) na ang elementary at secondary schools ay hindi na papayagan na mag-implementa ng distance at blended learning sa Nobyembre.
Ayon sa DepEd, ang mga pampubliko at pribadong paaralan sa basic education ay maaaring magpatupad ng distance at blended learning hanggang Oktubre 31, 2022 lamang.
Nakatakda na magbukas ang School Year 2022-2023 sa Agosto 22.
Sa isang statement na inilabas ngayong Biyernes, sinabi ng LTFRB na ang mga school transport services na may active Certificate of Public Convenience (CPC) o Provisional Authority (PA) gayundin, iyong may mga expired CPC subalit may pending na Application for Extension of Validity na mag-operate ay papayagan na ngayon na mag-resume ng operasyon.
"Transport services with expiring CPCs dating from 31 March 2022 to 31 August 2022 have been allowed to file an application for Extension of Validity, with the LTFRB waiving penalties," pahayag ng LTFRB.
"This is in recognition of the adverse financial impact of the COVID-19 pandemic on operators and drivers of school transport services. LTFRB will also waive penalties for school service units with pending confirmation from 31 March 2020 to 31 August 2022," dagdag ng ahensiya.
Ang mga school transport services na papayagang mag-operate ay dapat ding mag-comply sa mga sumusunod na kondisyon:
• Secured windows (steel-grilled)
• Seatbelts para sa lahat ng pasahero
• Working portable fire extinguisher
• “STOP” at “GO” signages na dala-dala ng conductor kapag tumatawid ang mga bata sa kalye
• Pagsusuot ng prescribed uniform ng mga drivers at conductors.
Batay pa sa LTFRB, kailangan ding iobserba ng mga operators ang mga health at safety protocols tulad ng:
• Regular examination ng mga drivers at conductors’ fitness na magtrabaho sa pamamagitan ng pag-check sa kanilang body temperature at screening para sa anumang sintomas ng COVID-19.
• Regular disinfection ng madalas na mahawakang mga surfaces, gaya ng subalit hindi limitado sa mga upuan, armrests, at handles.
• Mandatory na pagsusuot ng mga face masks sa lahat ng oras ng mga drivers at conductors, kabilang ang mga pasahero.
Ayon pa sa LTFRB, kinokonsidera na rin nila ang pagbubukas ng mahigit sa 100 ruta — partikular na sa loob ng university belt at iba pang mga lugar na maraming nagtatambayan na mga estudyante — upang matugunan ang inaasahang pagdami ng mga pasahero na sasakay.





Comments