top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

School Meals Program, magpapalakas ng isipan at katawan ng mga mag-aaral

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 21, 2023
  • 1 min read

@Editorial | April 21, 2023



Mahirap sa estudyante na mag-aral nang kumakalam ang sikmura.


Mas masakit din sa magulang na pumapasok ang anak nang walang sapat na baon.


Kaya may iba na napipilitan na ring um-absent o tuluyan nang huminto sa pag-aaral.


Kaya mahalaga ang pag-agapay ng gobyerno o ng mismong Department of Education (DepEd) sa mga problemang araw-araw na kinahaharap ng mga mag-aaral at magulang.


Kaugnay nito, pinag-uusapan na umano ng DepEd at World Food Program (WFP) ang posibleng pagpapalawak ng School Meals Program para makinabang ang mas maraming batang Pilipino.


Ang nasabing programa ay naglalayong suportahan ang mga pamahalaan na siguraduhin na ang lahat ng mga batang nasa paaralan ay may access sa mga pagkain sa paaralan, malusog at handang matuto.


Mahalagang makapagdala ng masustansyang pagkain sa mga bata, lalo na sa mga nakatira sa malalayong lugar.


Kailangang mas mapalawak ang programa at manatiling katuwang sa pagsusulong ng agenda para sa food and nutrition security, lalo na sa mga kabataang Pilipino.


Umaasa tayo na sa pamamagitan nito ay mas maitatawid nang maayos ang edukasyon. Kung may laman ang tiyan, maayos ang pangangatawan at ang isipan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page