top of page
Search
  • BULGAR

Scholarship para sa mga deserving student na gustong maging doktor, aprub!

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | September 20, 2020



Pasado na sa Senado ang Senate Bill number 1520, na naglalayong magtatag ng medical scholarship para sa mga nagnanais na maging doktor ngunit hindi kaya ang gastusin para rito.


Hinihikayat ng panukalang ito ang mga deserving na mag-aaral na kumuha ng medisina at tumulong sa pagpapaangat ng kasalukuyang doctor-to-patient ratio na isang doktor kada 33,000 pasyente.


Ito ay malayung-malayo sa rekomendasyon ng World Health Organization na 1:1,000 doctor-to-patient ratio.


Ayon din sa SB1520, dapat na may at least isang scholar kada bayan sa buong Pilipinas, na magsisilbi rito pagkatapos maka-graduate.


Isa ang inyong lingkod sa mga co-sponsor ng panukalang ito, at natutuwa tayo at naipasa ito sa tulong ng ating mga kasama sa mataas na kapulungan.


Umaasa tayong agad itong makakarating sa Malacañang at pipirmahan ng ating Pangulo upang maging ganap na batas.


☻☻☻


Ngunit marami pa tayong dapat gawin upang maihanda ang ating kabataan upang makapag-aral ng medisina at iba pang kursong makatutulong sa pag-unlad ng ating bansa.


Lumalabas sa ating pagdinig sa Senado nitong mga nakaraang linggo tungkol sa kahandaan ng ating educational sector sa darating na pasukan na marami pang dapat na gawing interventions ang pamahalaan.


Tulad na lamang ng 30% pagbaba ng enrollment ngayong taon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kumpara noong nakaraang taon. Hindi naman siguro ito masasabi ng dahil sa dami ng mga kaso ng COVID-19 sa rehiyon dahil mas mababa ito kumpara sa mga kaso sa National Capital Region (NCR).


Sang-ayon tayo kay Sen. Sherwin Gatchalian na kailangang tutukan ang rehiyong ito, dahil na rin ito ang pinakamahirap na rehiyon sa ating bansa.


Mas kailangan ng mga bata ang government support at interventions upang makaahon sa kahirapan at kaguluhan.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang pahalaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.

Malalagpasan din natin ito.

Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page