top of page
Search
  • BULGAR

Scammers, todo-kayod ngayong kapaskuhan, kaya triple ingat!

@Editorial | December 8, 2023


Triple ingat ngayong Kapaskuhan.


Asahan natin na kani-kanyang gimik at doble-kayod na ang mga scammer para makapambiktima.


Tradisyon na kasi natin na tuwing pagsapit ng Disyembre ay naghahanda na tayo sa mga bibilhin nating panregalo at pang-Noche Buena.


Kaugnay nito, nagbabala ang isang grupo na mag-ingat laban sa ‘12 Scams of Christmas’ ngayong holiday season.


Ang ilan sa mga Christmas scam na ito ay kinabibilangan ng pekeng shipping at delivery notifications, pekeng online charity scams, fake shopping websites, fake online sellers, free trial scams, fake Christmas gift card scams, tech support scams, crypto investment scams, fake relative/friend scams, dating scams, foreign exchange investment scams, at loan scams.


Sasamantalahin kasi umano ng mga scammer ang panahon na ito upang makapanloko sila ng tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon para sa mga pekeng charitable projects.


Ang pinakamahusay na paraan upang maprotektahan ang iyong sarili mula sa mga scam na ito ay ang magkaroon ng kamalayan at huwag magbigay ng personal na impormasyon o pera sa sinumang hindi mo kilala o pinagkakatiwalaan.


Paalala rin na palaging mag-research at mag-verify ng anumang website o kumpanya upang hindi mabiktima.


Kung sa tingin mo ay naging biktima ka ng online scam, makipag-ugnayan agad sa mga otoridad.




0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page