SC: Seafarers, 'di na kailangang mag-bond para sa money claims

by BRT @News | November 17, 2026

Photo: File
Pabor sa mga Pilipinong seafarer ang naging desisyon ng Supreme Court (SC) matapos nitong ideklarang hindi na kailangan ang paglalagak ng bond upang maipatupad ang mga monetary award na ipinagkaloob sa kanila sa labor cases, kahit nakabinbin pa ang apela o judicial review.
Ayon sa Korte Suprema, labag sa Due Process at Equal Protection Clauses ng Konstitusyon ang bond requirement dahil nagdudulot ito ng dagdag na gastusin sa mga seafarer at naglalagay sa kanila sa hindi patas na kalagayan kumpara sa ibang manggagawa.
Layunin ng desisyon na matiyak na hindi nagiging hadlang ang kakayahang pinansyal ng mga seafarer sa pagpapatupad ng mga paborableng desisyon sa kanilang mga labor claim.





Comments