top of page
WINNER - TITO-KIKO SA 2028, ISINUSULONG-IG _reallysharoncuneta.jpg

SC, dedma pa sa ICC warrant kina Du30 at Bato 

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 1 min read

ni BRT @News | May 26, 2026



Supreme Court


Nilinaw ng Supreme Court (SC) ang mga kumakalat na espekulasyon kaugnay sa kinakaharap na legal na usapin nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Ronald “Bato” dela Rosa.


Ayon sa tagapagsalita ng SC, wala pang inilalabas na pinal na desisyon ang Kataas-taasang Hukuman hinggil sa main petition na inihain ng kampo nina Duterte at Dela Rosa laban kina dating Executive Secretary Lucas Bersamin at iba pang respondents.


Ipinaliwanag ng Korte Suprema na ang nakatakdang ilabas o i-upload ay ang mga hiwalay na opinyon lamang ng mga mahistrado kaugnay sa naunang desisyon ng korte na tanggihan ang kahilingan para sa Temporary Restraining Order (TRO) at Status Quo Ante Order na inihain ng kampo ng dalawang opisyal.


Gayunman, wala pa umanong desisyon ang SC kung konstitusyonal bang ipatupad sa Pilipinas ang ICC warrant.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page